Add parallel Print Page Options

Sapagkat[a] ipinasya kong huwag na munang pumunta riyan upang hindi kayo muling madulutan ng kalungkutan. Dahil kung dudulutan ko kayo ng kalungkutan, sino pa ang aaliw sa akin? Hindi ba't kayo rin? Kaya sumulat muna ako sa inyo noon upang sa pagpunta ko riyan ay hindi ako mabigyan ng lungkot ng mga taong dapat sana ay magpasaya sa akin. Sapagkat natitiyak kong ang aking kagalakan ay kagalakan din ninyong lahat. Ang puso ko'y puno ng kalungkutan at pag-aalala nang sulatan ko kayo, at maraming luha ang tumulo habang sinusulat ko iyon. Sumulat ako sa inyo hindi upang kayo'y dulutan ng kalungkutan kundi upang ipadama kung gaano kalaki ang aking pagmamahal sa inyo.

Patawarin ang Nagkasala

Kung may nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi ito sa akin idinulot; hindi sa pinalalaki ko ang bagay na ito, pero ang totoo, kayong lahat ang dinulutan niya ng kalungkutan. Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo. Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.

Ang isa pang dahilan ng pagsulat ko sa inyo noon ay upang subukin kayo at alamin kung sinusunod ninyo ang lahat ng ipinangaral ko sa inyo. 10 Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo, 11 upang hindi tayo malamangan ni Satanas, sapagkat hindi lingid sa atin ang kanyang mga pamamaraan.

Hindi Mapanatag si Pablo sa Troas

12 Nang(A) dumating ako sa Troas upang mangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, nagbukas ang Panginoon ng pintuan upang maisagawa iyon. 13 Ngunit hindi rin ako mapanatag sapagkat hindi ko natagpuan doon si Tito na ating kapatid. Kaya ako'y nagpaalam sa mga tagaroon at nagtuloy sa Macedonia.

Nagtagumpay Dahil kay Cristo

14 Ngunit salamat sa Diyos at lagi niya kaming isinasama sa parada ng tagumpay ni Cristo, dahil sa aming pakikipag-isa sa kanya. At sa pamamagitan namin ay pinalalaganap ng Diyos sa lahat ng dako ang mabangong halimuyak ng pagkakilala sa kanya. 15 Para kaming mabangong samyo ng insensong inihahandog ni Cristo sa Diyos at nalalanghap naman ng mga naliligtas at ng mga napapahamak. 16 Sa mga napapahamak, ito'y parang alingasaw na nakamamatay, ngunit sa mga naliligtas, ito'y halimuyak na nagdudulot ng buhay. Sino ang may sapat na kakayahang gumawa ng mga bagay na ito? 17 Hindi kami katulad ng marami na kinakalakal ang salita ng Diyos. Sa halip, bilang sugo ng Diyos, sa kanyang harapan at sa aming pakikipag-isa kay Cristo ay buong katapatan kaming nangangaral.

Footnotes

  1. 2 Corinto 2:1 Sapagkat: Sa ibang manuskrito'y Subalit .

But I determined this for myself, that I would not come again to you in sorrow. For if I make you sorrowful, who then will there be to make me rejoice, but the one whom I have made sorrowful? I wrote concerning this matter to you, so that when I came, I would not be grieved by those in whom I ought to rejoice, having confidence in you all, that my joy is your joy. For out of much affliction and anguish of heart I wrote to you with many tears, not that you should be grieved, but that you might know the love which I have more abundantly for you.

Forgiveness for the Offender

But if anyone has caused grief, he has not grieved me, but to some extent all of you, not to put it too severely. This punishment which was inflicted by many on such a man is sufficient. So on the contrary, you ought to forgive him and comfort him, lest perhaps he might be swallowed up with excessive sorrow. Therefore I ask you to confirm your love toward him. For to this end I also wrote, so that I might know that you are proving yourselves by whether you are being obedient in all things. 10 Whomever you forgive anything, I also forgive. For if I forgave someone anything, for your sakes I forgave it in Christ, 11 lest Satan should take advantage of us. For we are not ignorant of his devices.

Paul’s Anxiety in Troas

12 Furthermore, when I came to Troas to preach Christ’s gospel, and a door was opened to me by the Lord, 13 I had no rest in my spirit, because I did not find Titus my brother. So taking my leave of them, I went from there into Macedonia.

14 Now thanks be to God who always causes us to triumph in Christ and through us reveals the fragrance of His knowledge in every place. 15 For we are to God a sweet fragrance of Christ among those who are saved and among those who perish. 16 To the one we are the fragrance of death, which brings death, and to the other the fragrance of life, which brings life. Who is sufficient for these things? 17 For we are not as many are who peddle the word of God. Instead, being sent by God, we sincerely speak in Christ in the sight of God.