Add parallel Print Page Options

Pagpapatawad para sa Nagkasala

Ngunit kung may nakapagdulot man ng pighati, hindi ako ang napighati, kundi ang bahagi lamang upang hindi ako makapagpabigat sa inyong lahat.

Sapat na sa nakagawa ng gayon ang maparusahan ng marami sa inyo sa ganitong paraan. Sa kabila naman nito dapat ninyo siyang patawarin at aliwin at baka siya aymatigib ng lubhang kalungkutan. Kaya nga, ipinamamanhik ko sa inyo na bigyan ninyo siya ng katiyakan ng inyong pag-ibig. Ito rin ang dahilan kung bakit ako sumulat sa inyo, upang makita ko ang katunayan kung kayo ay naging masunurin sa lahat ng mga bagay. 10 Ngunit ang sinumang pinatatawad ninyo sa anumang bagay, pinatatawad ko rin sapagkat kung pinatatawad ko ang anumang bagay, kanino ko man ito ipinatatawad ay pinatatawad ko alang-alang sa inyo sa katauhan ni Cristo. 11 Ito ay upang hindi makapag­samantala si Satanas dahil hindi lingid sa atin ang kaniyang mga layunin.

 

Mga Lingkod ng Bagong Tipan

12 Sa pagpunta ko sa Troas para sa ebanghelyo ni Cristo, isang pinto din ang binuksan sa akin ng Panginoon.

13 Hindi ako nagkaroon ng kapahingahan sa aking espiritu dahil hindi ko nakita si Tito na aking kapatid. Subalit nang makapag­paalam ako sa kanila, pumunta ako sa Macedonia.

14 Ngunit salamat sa Diyos na laging nagbibigay tagumpay sa amin kay Cristo at ang samyo ng kaalaman patungkol sa kaniya ay nahahayag sa lahat ng dako sa pamamagitan namin. 15 Ito ay sapagkat sa pamamagitan ni Cristo, kami ay matamis na samyo sa Diyos doon sa mga naligtas at sa mga napapa­hamak. 16 Sa isa, kami ay samyo ng kamatayan patungo sa kamatayan. Sa iba, kami ay samyo ng buhay patungo sa buhay. At sa mga bagay na ito, sino ang makakakaya nito? 17 Ito ay sapagkat kami ay hindi tulad ng marami na nakikinabang sa pamamagitan ng pagsira sa salita ng Diyos. Sa halip, sa paningin ng Diyos kami ay nagsasalita sa pamamagitan ni Cristo nang may katapatan at bilang mga nagmula sa Diyos.

Magsisimula ba kaming papurihan muli ang aming mga sarili? Kailangan ba, tulad ng iba, ang sulat ng pagkilala para sa inyo, o ang sulat ng pagkilala mula sa inyo? Kayo ang aming sulat na iniukit sa aming mga puso na nalalaman at nababasa ng lahat ng mga tao. Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.

Mayroon kaming ganitong pagtitiwala sa pamamagitan ni Cristo patungkol sa Diyos. Hindi namin inaangkin na kaya naming gawin ang anumang bagay sa aming sarili. Wala kaming kakayahan sa aming sarili, subalit ang aming kakayahan ay sa Diyos. Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Ang Kaluwalhatian ng Bagong Tipan

Ang paglilingkod ng kamatayan sa mga sulat na iniukit sa mga bato ay ginawa na may kaluwalhatian. Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay hindimakatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha. Ang kaluwalhatiang iyon ay lilipas.

Kung ganito ito, bakit hindi magiging lalong maluwalhati ang paglilingkod ng Espiritu? Ito ay sapagkat kung ang paglilingkod ng kahatulan ay maluwalhati, lalong higit ang kaluwalhatian ng paglilingkod ng katuwiran. 10 Ito ay sapagkat kahit na ang ginawang maluwalhati ay hindi naging maluwalhati sa ganitong paraan dahil sa nakakahigit na kaluwalhatian. 11 Ito ay sapagkat kung ang lumipas ay may kaluwalhatian, lalo ngang higit ang kaluwalhatian niya na nananatili.

12 Sa pagkakaroon nga ng pag-asang ito, lalong malakas ang aming loob. 13 At hindi kami katulad ni Moises na naglagay ng lambong sa kaniyang mukha upang hindi matitigan ng mga anak ni Israel ang katapusan noong lumilipas. 14 Ang kanilang mga pag-iisip ay binulag dahil hanggang sa ngayon nanatili pa rin na ang lambong na iyon ay hindi inaalis sa pagbasa ng lumang tipan. Iyon ay lumipas na kay Cristo. 15 Hanggang sa ngayon kapag binabasa ang aklat ni Moises, may lambong sa kanilang mga puso. 16 Kapag ito ay bumalik sa Panginoon, ang lambong ay aalisin. 17 Ang Panginoon ay Espiritu at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon ang kalayaan. 18 Ngunit makikita nating lahat, ng walang takip sa mukha, ang kaluwalhatian ng Panginoon. Tulad sa isang salamin, makikita nating lahat na tayo ay matutulad sa gayong anyo mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Ito ay tulad ng nagmula sa Panginoon na siyang Espiritu.

Mga Kayamanan sa mga Sisidlang Putik

Kaya nga, sa pagkakaroon ng paglilingkod na ito, ayon sa pagtanggap namin ng habag, hindi kami nanghihina.

Aming itinakwil ang mga itinatagong bagay na kahiya-hiya. Hindi kami lumalakad sa pandaraya ni minamali ang salita ng Diyos. Sa pagpapakita ng katotohanan, aming ipinagkakatiwala ang aming mga sarili sa budhi ng bawat tao sa harapan ng Diyos. Kung ang ebanghelyo namin ay natatago, ito ay natatago sa kanila na napapahamak. Binulag ng diyos ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo na siyang anyo ng Diyos. Hindi namin ipinangangaral ang aming sarili kundi si Cristo Jesus na Panginoon at ang aming sarili ay inyong mga alipin alang-alang kay Cristo. Ang Diyos na nag-utos na mula sa kadiliman aymagliwanag ang ilaw ang siyang nagliwanag sa aming mga puso. Ito ay upang magliwanag ang kaalaman ng kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng mukha ni Jesucristo.

Taglay namin ang kayamanang ito sa sisidlang putik nang sa gayon ang kahigitan ng kapangyarihan ay mapasa-Diyos at hindi sa amin. Sa magkabi-kabila, sinisiil kami, ngunit hindi nagigipit, naguguluhan kami ngunit hindi lubos na nanghihina. Inuusig kami ngunit hindi pinababayaan, nabubuwal ngunit hindi nawawasak. 10 Taglay naming lagi sa aming katawan ang kamatayan ng Panginoong Jesus upang maipakita rin sa aming katawan ang buhay ni Jesus. 11 Ito ay sapagkat kami na nabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan alang-alang kay Cristo. Ito ay upang ang buhay rin naman ni Jesus ay makita sa aming katawang may kamatayan. 12 Kaya nga, ang kamatayan ay gumagawa sa amin, ngunit ang buhay ay gumagawa sa inyo.

13 Sa pagkakaroon ng iisang espiritu ng pananampalataya, ayon sa nasusulat:

Ako ay sumampalataya, kaya ako ay nagsalita.

Kami ay sumampalataya, kaya kami rin ay nagsalita.

14 Alam namin na siya na nagbangon sa Panginoong Jesus ay siya ring magbabangon sa amin sa pamamagitan ni Jesus at ihaharap na kasama ninyo. 15 Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bagay ay alang-alang sa inyo upang ang biyaya na sumasagana sa marami ay magparami ng pasasalamat para sa kaluwalhatian ng Diyos.

16 Dahil dito, hindi kami nanghihina. Subalit kung ang aming panlabas na katauhan ay nabubulok, ang aming panloob na katauhan naman ay binabago sa araw-araw. 17 Ito ay sapagkat ang panandaliang kagaanan ng aming paghihirap ay magdudulot sa amin ng lalong higit na timbang ng walang hanggang kaluwalhatian. 18 Hindi namin isinasaalang-alang ang mga bagay na nakikita kundi ang mga bagay na hindi nakikita sapagkat ang mga bagay nga na nakikita ay pansamantalangunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Ang Ating Tirahan sa Langit

Sapagkat alam natin na kung ang ating panlupang bahay na isang tolda lamang ay masira, mayroon tayong gusaling mula sa Diyos. Ito ay isang bahay na hindi gawa ng mga kamay, ito ay pangwalang hanggan sa kalangitan.

Sa ganito tayo ay dumaraing at nananabik na mabihisan ng ating tahanang mula sa langit. Kung mabihisan na tayo, hindi na tayo masusumpungang hubad. Ito ay sapagkat tayo na nasa toldang ito ay dumaraing at nabibigatan yamang hindi natin ibig na maging mga hubad. Sa halip ay ibig nating lubos na mabihisan. Ito ay upang ang may kamatayan ay lamunin na ng buhay. Ang Diyos ang siyang gumawa sa atin para sa bagay na ito. Siya rin ang nagbigay sa atin ng Espiritu bilang katiyakan.

Dahil dito lagi tayong may katiyakan at alam natin na habang nananahan tayo sa katawang ito, wala tayo sa tahanang mula sa Diyos. Ito ay sapagkat namumuhay tayo sa pananam­palataya, hindi sa mga bagay na nakikita. Nakakatiyak tayo at higit na nanaising mawala sa katawan at manahang kasama ng Panginoon. Kaya nga, naghahangad tayong maging kalu­guran sa kaniya maging tayo man ay nananahan sa katawan o wala sa katawan. 10 Ito ay sapagkat tayong lahat ay haharap sa luklukan ng paghatol ni Cristo upang ang bawat isa ay tumanggap ng nauukol sa atin para sa mga bagay na ginawa sa katawan maging ito man ay mabuti o masama.

Ang Paglilingkod na Maipagkasundo ang mga Tao sa Diyos

11 Dahil alam namin ang pagkatakot sa Panginoon, kaya hinihikayat namin ang mga tao. Ngunit kami ay nahahayag sa Diyos at umaasa na ako ay mahahayag din sa inyong mga budhi.

12 Ito ay sapagkat hindi namin ipinagmamapuring muli ang aming mga sarili sa inyo. Ibinibigay namin ang pagkakataon sa inyo na kami ay inyong maipagmalaki, upang masagot ninyo sila na mga nagmamalaki ayon sa nakikita at hindi mula sa puso. 13 Ito ay sapagkat kung wala kami sa aming sarili, iyon ay alang-alang sa Diyos. Kung kami naman ay nasa wastong pag-iisip, iyon ay alang-alang sa inyo. 14 Ito ay sapagkat ang pag-ibig ni Cristo ang nag-uudyok sa amin. Dahil pinagpasiyahan namin na yamang may isang namatay para sa lahat, kung gayonang lahat ay patay. 15 Namatay siya para sa lahat upang sila na nabubuhayay hindi na mamuhay para sa kanilang sarili. Sa halip, sila ay mamuhay para sa kaniya na namatay para sa kanila at muling nabuhay.

16 Mula ngayon hindi na natin nakikila ang sinumang tao ayon sa makataong paraan. Kahit kilala natin si Cristo sa ganitong paraan noon, sa ngayon ay hindi na. 17 Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago. 18 Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo. 19 Papaanong sa pamamagitan ni Cristo ay ipinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan sa kaniyang sarili, na hindi niya ibinibilang sa kanila ang kanilang mga pagsalangsang. Ipinagkatiwala niya sa amin ang salita ng pakikipagkasundo. 20 Para kay Cristo, kami nga ay mga kinatawan na waring ang Diyos ang namamanhik sa pamamagitan namin. Nagsusumamo kami alang-alang kay Cristo na makipagkasundo kayong muli sa Diyos. 21 Ito ay sapagkat siya na hindi nagkasala ay ginawang kasalanan para sa atin upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.

Bilang kamanggagawa, hinihimok namin kayo. Huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sinabi niya:

Sa panahong ipinahintulot pina­kinggan kita, at sa araw ng pagliligtas, tinulungan kita.

Narito, ngayon ang panahong katanggap-tanggap. Narito, ngayon ang araw ng kaligtasan.

Ang mga Paghihirap ni Pablo

Sa anumang bagay ay hindi kami nagbigay ng katitisuran upang hindi mapulaan ang gawain ng paglilingkod.

Sa halip, sa lahat ng bagay ay ipinakilala namin ang aming sarili bilang tagapaglingkod ng Diyos. Ito ay maging sa maraming pagba­bata, kabalisahan, pangangailangan at kagipitan. Maging sa paghagupit sa amin, pagkabilanggo, kaguluhan, pagpapagal, pagpupuyat, at pag-aayuno. Maging sa kalinisan, kaalaman, pagtitiis, kabutihan, at maging sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at walang pakunwaring pag-ibig, ipinakikilala naming kami ay mga tagapaglingkod. Ipinakilala namin ito sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng sandata ng katuwiran sa kanan at kaliwang kamay. Maging sa karangalan at kawalang karangalan, maging sa masamang ulat at mabuting ulat, ipinakilala naming kami ay tagapaglingkod. Kahit na iparatang na kami ay mandaraya, kami aymga totoo, ipinakikilala naming kami ay tagapag­lingkod. Kahit na sabihing hindi kami kilala bagama’t kilalang-kilala, naghihingalo gayunma’y buhay, pinarurusahan ngunit hindi pinapatay, ipinakikilala naming kami ay tagapag­lingkod. 10 Kahit na namimighati ngunit laging nagagalak, mahirap gayunma’y maraming pinayayaman, walang tinatang­kilik bagama’t nagtatangkilik ng lahat ng bagay, ipinakikilala naming kami ay tagapaglingkod.

11 Mga taga-Corinto, malinaw na nahayag ang aming salita sa inyo. Ang aming puso ay lumaki. 12 Bukas ang aming puso sa inyo, ngunit nakasara ang inyong damdamin sa amin. 13 Bilang ganti, buksan din ninyo ang inyong puso sa amin. Ako ay nagsasalita sa inyo bilang mga anak ko.