Font Size
2 Corinto 2:14-17
Ang Salita ng Diyos
2 Corinto 2:14-17
Ang Salita ng Diyos
14 Ngunit salamat sa Diyos na laging nagbibigay tagumpay sa amin kay Cristo at ang samyo ng kaalaman patungkol sa kaniya ay nahahayag sa lahat ng dako sa pamamagitan namin. 15 Ito ay sapagkat sa pamamagitan ni Cristo, kami ay matamis na samyo sa Diyos doon sa mga naligtas at sa mga napapahamak. 16 Sa isa, kami ay samyo ng kamatayan patungo sa kamatayan. Sa iba, kami ay samyo ng buhay patungo sa buhay. At sa mga bagay na ito, sino ang makakakaya nito? 17 Ito ay sapagkat kami ay hindi tulad ng marami na nakikinabang sa pamamagitan ng pagsira sa salita ng Diyos. Sa halip, sa paningin ng Diyos kami ay nagsasalita sa pamamagitan ni Cristo nang may katapatan at bilang mga nagmula sa Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International