Add parallel Print Page Options

Yaman ngang naghahanap kayo ng katibayan ng pagsasalita sa akin ni Cristo na para sa inyo ay hindi mahina kundi makapangyarihan sa inyo. Ito ay sapagkat kung sa kahinaan, siya ay ipinako sa krus, siya naman ay nabubuhay sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ay sapagkat sa kaniya tayo ay totoong mahina, ngunit mabubuhay tayong kasama niya sa kapangyarihan ng Diyos sa inyo.

Suriin ninyo ang inyong sarili kung kayo ay nasa pananampalataya, subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo kinikilala ang inyong sarili, na si Cristo ay nasa inyo, maliban na lang kung kayo ay mga itinakwil?

Read full chapter