Add parallel Print Page Options

Mga Huling Babala

13 Ito ang ikatlong pagkakataong pupunta ako sa inyo. Sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang lahat ng bagayay mapagtitibay.

Sinabi ko na sa inyo noon at aking ipinapaunang-sabi na parang ako ay naririyan sa inyo sa ikalawang pagkakataon. Ngayong wala ako riyan, sumusulat ako sa mga nagkasala noon at sa lahat. Sa pagpunta ko, hindi ko palalampasin ang mga nagkasala. Yaman ngang naghahanap kayo ng katibayan ng pagsasalita sa akin ni Cristo na para sa inyo ay hindi mahina kundi makapangyarihan sa inyo.

Read full chapter