Font Size
2 Corinto 11:9-11
Ang Salita ng Diyos
2 Corinto 11:9-11
Ang Salita ng Diyos
9 Nang kasama ninyo ako at nangailangan ako, hindi ako naging pabigat sa kaninuman sapagkat ang kakulangan sa akin ay pinunan ng mga kapatid na mula sa Macedonia. Sa lahat ng bagay ay napanatili kong hindi maging pabigat sa inyo at ito ay pananatilihin ko. 10 Kung papaanong ang katotohanan patungkol kay Cristo ay nasa akin, walang sinumang makakahadlang sa akin sa pagmamalaking ito sa mga lalawigan ng Acaya. 11 Bakit ko ito ginagawa? Dahil ba sa hindi ko kayo iniibig? Alam ng Diyos na iniibig ko kayo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International