Add parallel Print Page Options

Nagkasala ba ako sa pagpapakumbaba ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas dahil walang bayad kong ipinangaral sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos? Ninakawan ko ang ibang iglesiya nang tumanggap ako ng kabayaran sa paglilingkod para sa inyo. Nang kasama ninyo ako at nangailangan ako, hindi ako naging pabigat sa kaninuman sapagkat ang kakulangan sa akin ay pinunan ng mga kapatid na mula sa Macedonia. Sa lahat ng bagay ay napanatili kong hindi maging pabigat sa inyo at ito ay pananatilihin ko.

Read full chapter