2 Corinto 10
Ang Salita ng Diyos
Ipinagtanggol ni Pablo ang Kaniyang Gawain ng Paglilingkod
10 Akong si Pablo ay namamanhik sa inyo sa pamamagitan ng kababaang-loob at kaamuan ni Cristo. Ako ay may mababang-loob kapag kaharap ninyo ngunit kapag hindi ay matapang.
2 Isinasamo ko na kung ako ay kaharap na ninyo, hindi ako dapat matapang sa mga mananampalataya tulad ng aking balak na maging malakas ang loob sa ibang tao na nagtuturing sa amin na kami ay namumuhay ayon sa laman. 3 Ito ay sapagkat kahit na namumuhay kami sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman. 4 Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao. Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makakapagpabagsak ng matitibay nakuta. 5 Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Cristo. 6 Ito ay handang maghiganti sa lahat ng pagsuway kapag naganap na ang inyong pagsunod.
7 Tinitingnan ba ninyo ang mga bagay sa panlabas na anyo? Kung ang sinuman ay naniniwala sa kaniyang sarili na siya ay kay Cristo, isipin niyang muli ito. Kung siya ay kay Cristo, kami rin naman ay kay Cristo. 8 Kahit na ako man ay nagmamalaki nang lubos patungkol sa aming kapamahalaan, hindi ako mahihiya sapagkat ang kapamahalaan namin ay ibinigay ng Panginoon sa amin para sa inyong ikatitibay at hindi para sa inyong ikababagsak. 9 Ito ay upang hindi ako maging parang nananakot sa inyo sa pamamagitan ng mga sulat. 10 Ito ay sapagkat may nagsasabi: Ang mga sulat niya ay mabibigat at malalakas, ngunit kung nakaharap, siya ay mahina at ang kaniyang salita ay walang halaga. 11 Isaalang-alang ito ng isang iyon. Kung papaano kami sa salita sa pamamagitan ng sulat kung kami ay wala, gayundin ang aming gawa kung kami ay nakaharap.
12 Ito ay sapagkat hindi kami naglakas ng loob na mabilang sa kanila o ihalintulad ang aming sarili sa ilan na nagtataas ng sarili. Subalit sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanilang sarili at inihahambing ang kanilang sarili sa kanilang sariliay mga walang pang-unawa. 13 Hindi kami magmamalaki patungkol sa sukat ng mga bagay na hindi masusukat subalit ayon sa sukat ng pananagutan na ibinigay ng Diyos sa amin, na sa sukat na ito ay kabahagi lalo na kayo. 14 Hindi namin pinilit ang aming sarili na abutinkayo nang higit sa hinihingi ng Diyos sa amin sapagkat kayo rin naman ay inabot namin sa pamamagitan lamang ng ebanghelyo ni Cristo. 15 Hindi namin ipinagmamalaki ang mga bagay na hindi namin kaya. Hindi namin ipinagmamalalaki ang mga gawa ng iba. Umaasa kami, na habang lumalago ang inyong pananampalataya, ay lubos na palalawakin ng Diyos, sa pamamagitan ninyo, ang aming gawain sa inyong kalagitnaan. 16 Ito ay upang maipangaral ang ebanghelyo sa mga nayon sa malayo at hindi upang ipagmalaki ang gawain na nagawa na ng iba. 17 Ngunit siya na nagmamalaki ay magmalaki sa Panginoon. 18 Ito ay sapagkat hindi ang nagpaparangal sa kaniyang sarili ang katanggap-tanggap, kundi siya na pinararangalan ng Panginoon ang katanggap-tanggap.
ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10
SBL Greek New Testament
10 Αὐτὸς δὲ ἐγὼ Παῦλος παρακαλῶ ὑμᾶς διὰ τῆς πραΰτητος καὶ ἐπιεικείας τοῦ Χριστοῦ, ὃς κατὰ πρόσωπον μὲν ταπεινὸς ἐν ὑμῖν, ἀπὼν δὲ θαρρῶ εἰς ὑμᾶς· 2 δέομαι δὲ τὸ μὴ παρὼν θαρρῆσαι τῇ πεποιθήσει ᾗ λογίζομαι τολμῆσαι ἐπί τινας τοὺς λογιζομένους ἡμᾶς ὡς κατὰ σάρκα περιπατοῦντας. 3 ἐν σαρκὶ γὰρ περιπατοῦντες οὐ κατὰ σάρκα στρατευόμεθα— 4 τὰ γὰρ ὅπλα τῆς στρατείας ἡμῶν οὐ σαρκικὰ ἀλλὰ δυνατὰ τῷ θεῷ πρὸς καθαίρεσιν ὀχυρωμάτων— λογισμοὺς καθαιροῦντες 5 καὶ πᾶν ὕψωμα ἐπαιρόμενον κατὰ τῆς γνώσεως τοῦ θεοῦ, καὶ αἰχμαλωτίζοντες πᾶν νόημα εἰς τὴν ὑπακοὴν τοῦ Χριστοῦ, 6 καὶ ἐν ἑτοίμῳ ἔχοντες ἐκδικῆσαι πᾶσαν παρακοήν, ὅταν πληρωθῇ ὑμῶν ἡ ὑπακοή.
7 Τὰ κατὰ πρόσωπον βλέπετε. εἴ τις πέποιθεν ἑαυτῷ Χριστοῦ εἶναι, τοῦτο λογιζέσθω πάλιν [a]ἐφ’ ἑαυτοῦ ὅτι καθὼς αὐτὸς Χριστοῦ οὕτως καὶ [b]ἡμεῖς. 8 ἐάν [c]τε [d]γὰρ περισσότερόν τι καυχήσωμαι περὶ τῆς ἐξουσίας ἡμῶν, ἧς ἔδωκεν ὁ [e]κύριος εἰς οἰκοδομὴν καὶ οὐκ εἰς καθαίρεσιν ὑμῶν, οὐκ αἰσχυνθήσομαι, 9 ἵνα μὴ δόξω ὡς ἂν ἐκφοβεῖν ὑμᾶς διὰ τῶν ἐπιστολῶν· 10 ὅτι Αἱ [f]ἐπιστολαὶ μέν, φησίν, βαρεῖαι καὶ ἰσχυραί, ἡ δὲ παρουσία τοῦ σώματος ἀσθενὴς καὶ ὁ λόγος ἐξουθενημένος. 11 τοῦτο λογιζέσθω ὁ τοιοῦτος, ὅτι οἷοί ἐσμεν τῷ λόγῳ δι’ ἐπιστολῶν ἀπόντες, τοιοῦτοι καὶ παρόντες τῷ ἔργῳ.
12 Οὐ γὰρ τολμῶμεν ἐγκρῖναι ἢ συγκρῖναι ἑαυτούς τισιν τῶν ἑαυτοὺς συνιστανόντων· ἀλλὰ αὐτοὶ ἐν ἑαυτοῖς ἑαυτοὺς μετροῦντες καὶ συγκρίνοντες ἑαυτοὺς ἑαυτοῖς οὐ συνιᾶσιν. 13 ἡμεῖς δὲ [g]οὐκ εἰς τὰ ἄμετρα καυχησόμεθα, ἀλλὰ κατὰ τὸ μέτρον τοῦ κανόνος οὗ ἐμέρισεν ἡμῖν ὁ θεὸς μέτρου, ἐφικέσθαι ἄχρι καὶ ὑμῶν— 14 οὐ γὰρ ὡς μὴ ἐφικνούμενοι εἰς ὑμᾶς ὑπερεκτείνομεν ἑαυτούς, ἄχρι γὰρ καὶ ὑμῶν ἐφθάσαμεν ἐν τῷ εὐαγγελίῳ τοῦ Χριστοῦ— 15 οὐκ εἰς τὰ ἄμετρα καυχώμενοι ἐν ἀλλοτρίοις κόποις, ἐλπίδα δὲ ἔχοντες αὐξανομένης τῆς πίστεως ὑμῶν ἐν ὑμῖν μεγαλυνθῆναι κατὰ τὸν κανόνα ἡμῶν εἰς περισσείαν, 16 εἰς τὰ ὑπερέκεινα ὑμῶν εὐαγγελίσασθαι, οὐκ ἐν ἀλλοτρίῳ κανόνι εἰς τὰ ἕτοιμα καυχήσασθαι. 17 Ὁ δὲ καυχώμενος ἐν κυρίῳ καυχάσθω· 18 οὐ γὰρ ὁ ἑαυτὸν [h]συνιστάνων, ἐκεῖνός ἐστιν δόκιμος, ἀλλὰ ὃν ὁ κύριος συνίστησιν.
Footnotes
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:7 ἐφ᾽ WH Treg NIV ] ἀφ᾽ RP
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:7 ἡμεῖς WH Treg NIV ] + Χριστοῦ RP
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:8 τε WH NIV RP ] – Treg
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:8 γὰρ WH Treg NIV ] + καὶ RP
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:8 κύριος WH Treg NIV ] + ἡμῖν RP
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:10 ἐπιστολαὶ μέν WH Treg NIV ] μέν ἐπιστολαὶ RP
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:13 οὐκ WH Treg NIV ] οὐχὶ RP
- ΠΡΟΣ ΚΟΡΙΝΘΙΟΥΣ Β΄ 10:18 συνιστάνων WH Treg NIV ] συνιστῶν RP
Copyright © 1998 by Bibles International
Scripture quotations marked SBLGNT are from the The Greek New Testament: SBL Edition. Copyright © 2010 by Society of Biblical Literature and Logos Bible Software