Add parallel Print Page Options

Sapagkat hindi namin ibig mga kapatid, na hindi ninyo malaman ang aming mga paghihirap na nangyari sa Asya. Kami ay nabigatan nang higit sa aming lakas, kaya kami ay nawalan ng pag-asa maging sa aming buhay. Ang hatol ng kamatayan ay sa aming mga sarili upang hindi na kami magtiwala sa aming mga sarili kundi sa Diyos na nagbabangon sa mga patay. 10 Ang Diyos ang siyang nagligtas sa amin sa malagim na kamatayan at patuloy na nagliligtas. Sa kaniya ay may pag-asa kami na patuloy siyang magliligtas.

Read full chapter