Add parallel Print Page Options

Siya ang nagbibigay sa amin ng kaaliwan sa lahat ng aming kahirapan. Ito ay upang maaliw namin silang mga nasa kahirapan sa pamamagitan ng kaaliwan na kung saan inaliw kami ng Diyos. Ito ay sapagkat kung papaanong ang paghihirap ni Cristo ay sumasagana sa amin, gayundin naman sa pamamagitan ni Cristo sumasagana ang aming kaaliwan. Ngunit kung kami man ay nahihirapan, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagbabata ng katulad na paghihirap na aming dinanas. Ngunit kung kami man ay aliwin, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan.

Read full chapter