Add parallel Print Page Options

11 Kayo rin naman ay kasamang gumagawa para sa amin sa pamamagitan ng inyong pananalanging may paghiling. Ito ay upang sa pamamagitan ng maraming tao, ang mga kaloob na para sa amin ay maging isang pagpapasalamat ng marami.

Nagbago ng Balak si Pablo

12 Ito ang aming ipinagmamalaki at ito ang patotoo ng aming mga budhi sapagkat namuhay kami sa sanlibutang ito na sumasagana para sa inyo nang may dalisay na layunin at may katapatan sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng karunungang pantao kundi sa biyaya ng Diyos.

13 Wala na kaming ibang isinulat sa inyo maliban sa mga nabasa ninyo at kinilala at umaasa ako na hanggang sa wakas ay inyong kikilalanin.

Read full chapter