Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

12 Yamang kami ay mayroong gayong pag-asa, kami ay kumikilos na may malaking katapangan,

13 hindi(A) gaya ni Moises, na naglagay ng talukbong sa kanyang mukha upang hindi makita ng mga anak ni Israel ang katapusan ng bagay na lumilipas.

14 Subalit ang kanilang mga pag-iisip ay tumigas, sapagkat hanggang sa araw na ito, kapag kanilang binabasa ang lumang tipan, ang dating talukbong ay nananatiling hindi itinataas, sapagkat tanging sa pamamagitan ni Cristo ito inaalis.

15 Subalit hanggang sa araw na ito, tuwing binabasa ang kautusan ni Moises,[a] may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.

16 Ngunit(B) kapag ang isang tao ay bumabaling sa Panginoon, ang talukbong ay naaalis.

17 Ngayon, ang Panginoon ay siyang Espiritu, at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, mayroong kalayaan.

18 At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu.

Kayamanan sa Sisidlang-lupa

Dahil dito, sa pagkakaroon namin ng ministeryong ito sa pamamagitan ng aming tinanggap na habag, kami ay hindi pinanghihinaan ng loob.

Kundi itinatakuwil namin ang mga kahiyahiyang bagay na nakatago. Kami ay tumatangging gumawa ng katusuhan o gamitin sa pandaraya ang salita ng Diyos, kundi sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan ay ipinapakilala namin ang aming sarili sa bawat budhi ng mga tao sa harapan ng Diyos.

Notas al pie

  1. 2 Corinto 3:15 ang kautusan ni Moises: Sa Griyego ay si Moises .