2 Chronicles 4
New King James Version
Furnishings of the Temple(A)
4 Moreover he made (B)a bronze altar: twenty cubits was its length, twenty cubits its width, and ten cubits its height.
2 (C)Then he made the [a]Sea of cast bronze, ten cubits from one brim to the other; it was completely round. Its height was five cubits, and a line of thirty cubits measured its circumference. 3 (D)And under it was the likeness of oxen encircling it all around, ten to a cubit, all the way around the Sea. The oxen were cast in two rows, when it was cast. 4 It stood on twelve (E)oxen: three looking toward the north, three looking toward the west, three looking toward the south, and three looking toward the east; the Sea was set upon them, and all their back parts pointed inward. 5 It was a handbreadth thick; and its brim was shaped like the brim of a cup, like a lily blossom. It contained [b]three thousand baths.
6 He also made (F)ten lavers, and put five on the right side and five on the left, to wash in them; such things as they offered for the burnt offering they would wash in them, but the [c]Sea was for the (G)priests to wash in. 7 (H)And he made ten lampstands of gold (I)according to their design, and set them in the temple, five on the right side and five on the left. 8 (J)He also made ten tables, and placed them in the temple, five on the right side and five on the left. And he made one hundred (K)bowls of gold.
9 Furthermore (L)he made the court of the priests, and the (M)great court and doors for the court; and he overlaid these doors with bronze. 10 (N)He set the Sea on the right side, toward the southeast.
11 Then (O)Huram made the pots and the shovels and the bowls. So Huram finished doing the work that he was to do for King Solomon for the house of God: 12 the two pillars and (P)the bowl-shaped capitals that were on top of the two pillars; the two networks covering the two bowl-shaped capitals which were on top of the pillars; 13 (Q)four hundred pomegranates for the two networks (two rows of pomegranates for each network, to cover the two bowl-shaped capitals that were on the pillars); 14 he also made (R)carts and the lavers on the carts; 15 one Sea and twelve oxen under it; 16 also the pots, the shovels, the forks—and all their articles (S)Huram his [d]master craftsman made of burnished bronze for King Solomon for the house of the Lord.
17 In the plain of Jordan the king had them cast in clay molds, between Succoth and [e]Zeredah. 18 (T)And Solomon had all these articles made in such great abundance that the weight of the bronze was not determined.
19 Thus (U)Solomon had all the furnishings made for the house of God: the altar of gold and the tables on which was (V)the showbread; 20 the lampstands with their lamps of pure gold, to burn (W)in the prescribed manner in front of the inner sanctuary, 21 with (X)the flowers and the lamps and the wick-trimmers of gold, of purest gold; 22 the trimmers, the bowls, the ladles, and the censers of pure gold. As for the entry of the [f]sanctuary, its inner doors to the Most Holy Place, and the doors of the main hall of the temple, were gold.
Footnotes
- 2 Chronicles 4:2 Great laver or basin
- 2 Chronicles 4:5 About 8,000 gallons; two thousand, 1 Kin. 7:26
- 2 Chronicles 4:6 Great basin
- 2 Chronicles 4:16 Lit. father
- 2 Chronicles 4:17 Zaretan, 1 Kin. 7:46
- 2 Chronicles 4:22 Lit. house
2 Cronica 4
Ang Biblia, 2001
Mga Kagamitan para sa Templo(A)
4 Gumawa(B) siya ng dambanang tanso na dalawampung siko ang haba, dalawampung siko ang luwang, at sampung siko ang taas.
2 Pagkatapos ay gumawa siya ng hinulmang lalagyan ng tubig; ito ay pabilog, sampung siko mula sa labi't labi, at ang taas nito ay limang siko; at ang sukat sa palibot ay tatlumpung siko.
3 Sa ilalim nito ay mga anyo ng mga baka na sampung siko na nakapaligid sa sisidlan ng tubig. Ang mga baka ay dalawang hanay na hinulmang kasama niyon.
4 Ito ay nakatayo sa ibabaw ng labindalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa hilaga, at ang tatlo'y nakaharap sa kanluran, ang tatlo'y nakaharap sa timog, at ang tatlo'y nakaharap sa silangan. Ang sisidlan ng tubig ay nakapatong sa ibabaw ng mga iyon, at lahat ng kanilang bahaging likuran ay nasa paloob.
5 Ang kapal nito ay isang dangkal at ang labi nito ay yaring gaya ng labi ng isang saro, gaya ng bulaklak ng liryo, ito'y naglalaman ng tatlong libong bat.[a]
6 Gumawa(C) rin siya ng sampung hugasan, at inilagay ang lima sa timog, at lima sa hilaga. Sa mga ito nila huhugasan ang mga ginamit sa handog na sinusunog, at ang lalagyan ng tubig ay paliguan ng mga pari.
7 Siya'y(D) gumawa ng sampung ilawang ginto ayon sa utos at inilagay ang mga iyon sa templo; lima sa timog at lima sa hilaga.
8 Gumawa(E) rin siya ng sampung hapag at inilagay ang mga iyon sa templo; lima sa dakong timog at lima sa hilaga. Siya'y gumawa ng isandaang palangganang ginto.
9 Ginawa niya ang bulwagan ng mga pari, ang malaking bulwagan, at ang mga pinto para sa bulwagan at binalot ng tanso ang kanilang mga pinto;
10 at kanyang inilagay ang sisidlan ng tubig sa dakong timog-silangang sulok ng bahay.
11 Gumawa rin si Huramabi ng mga palayok, mga pala, at mga palanggana. Gayon tinapos ni Huramabi ang gawain na ginawa niya para kay Haring Solomon sa bahay ng Diyos:
12 ang dalawang haligi, mga mangkok, ang dalawang kapitel na nasa dulo ng mga haligi, at ang dalawang korona na tumatakip sa dalawang mangkok ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;
13 at ang apatnaraang granada para sa dalawang korona; dalawang hanay ng granada para sa bawat korona, upang tumakip sa dalawang mangkok ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi.
14 Gumawa rin siya ng mga patungan, at ng mga hugasan sa ibabaw ng mga patungan;
15 ng isang malaking sisidlan ng tubig,[b] at ng labindalawang baka na nasa ilalim nito.
16 Ang mga palayok, mga pala, mga pantusok, at lahat ng kasangkapan nito ay ginawa ni Huramabi mula sa tansong binuli para kay Haring Solomon para sa bahay ng Panginoon.
17 Sa kapatagan ng Jordan ipinahulma ng hari ang mga iyon, sa lupang luwad sa pagitan ng Sucot at Zereda.
18 Ginawa ni Solomon ang lahat ng mga bagay na ito nang maramihan, anupa't hindi matiyak ang timbang ng tanso.
19 Sa gayon ginawa ni Solomon ang lahat ng mga bagay na nasa bahay ng Diyos: ang gintong dambana, ang mga hapag para sa tinapay na handog,
20 ang mga ilawan at mga ilaw nito na dalisay na ginto na magniningas sa loob ng santuwaryo ayon sa iniutos;
21 ang mga bulaklak, mga ilawan, mga panipit na ginto, na pawang yari sa pinakadalisay na ginto;
22 ang mga gunting, mga palanggana, mga sandok, mga pinggan para sa insenso na dalisay na ginto; at ang pintuan ng templo, para sa panloob na pintuan patungo sa dakong kabanal-banalan, at para sa pintuan ng templo ay yari sa ginto.
Footnotes
- 2 Cronica 4:5 o 15,000 galong tubig .
- 2 Cronica 4:15 Sa Hebreo ay dagat .
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

