Font Size
2 Tesalonica 2:3-4
Magandang Balita Biblia
2 Tesalonica 2:3-4
Magandang Balita Biblia
3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail[a] na itinakda sa kapahamakan.[b] 4 Itataas(A) niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
Read full chapterFootnotes
- 2 Tesalonica 2:3 Suwail: Sa ibang manuskrito'y Makasalanan .
- 2 Tesalonica 2:3 itinakda sa kapahamakan: Sa Griego ay anak ng kapahamakan .
Pahayag 13:5-6
Magandang Balita Biblia
Pahayag 13:5-6
Magandang Balita Biblia
5 Pinahintulutang(A) magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan. 6 Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.