Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
A new Bible Gateway experience is here. Spot something unexpected? Tell us what needs a closer look.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Read Scripture without ads. Try Bible Gateway Plus.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG2001
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG2001
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

2 Samuel 24  Ang Biblia, 2001

Binilang ni David ang Bayan(A)

24 Ang galit ng Panginoon ay muling nagningas laban sa Israel, at kanyang kinilos si David laban sa kanila, na sinasabi, “Humayo ka at bilangin mo ang Israel at Juda.”

2 Kaya't sinabi ng hari kay Joab na pinuno ng hukbo, na kasama niya, “Pumaroon ka sa lahat ng mga lipi ng Israel, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, at bilangin ninyo ang bayan upang aking malaman ang bilang ng bayan.”

3 Ngunit sinabi ni Joab sa hari, “Nawa'y dagdagan ng Panginoon mong Diyos ang bayan ng ilang daang ulit pa kaysa bilang nila, habang nakikita ito ng mga mata ng aking panginoong hari; ngunit bakit nalulugod ang panginoon kong hari sa bagay na ito?”

4 Ngunit ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab, at laban sa mga puno ng hukbo. Kaya't si Joab at ang mga pinuno ng hukbo ay lumabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel.

5 Sila'y tumawid ng Jordan, nagsimula sa Aroer at mula sa lunsod na nasa gitna ng libis, patungo sa Gad hanggang sa Jazer.

6 At dumating sila sa Gilead, at sa Kadesh sa lupain ng mga Heteo; dumating sila sa Dan, at mula sa Dan ay lumibot sila sa Sidon.

7 Dumating sila sa kuta ng Tiro, at sa lahat ng mga lunsod ng mga Heveo at mga Cananeo; at sila'y lumabas sa Negeb ng Juda sa Beer-seba.

8 Kaya't nang mapuntahan na nila ang buong lupain, sila ay dumating sa Jerusalem sa katapusan ng siyam na buwan at dalawampung araw.

9 At ibinigay ni Joab sa hari ang kabuuang bilang ng bayan sa Israel na may walong daang libong matapang na lalaki na humahawak ng tabak; at ang mga kalalakihan sa Juda ay limang daang libo.

10 Ngunit naligalig ang puso ni David pagkatapos na mabilang niya ang taong-bayan. At sinabi ni David sa Panginoon, “Ako'y nagkasala ng malaki sa aking ginawa. Ngunit ngayo'y isinasamo ko sa iyo Panginoon, na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod; sapagkat aking ginawa ng buong kahangalan.”

11 Nang bumangon si David sa kinaumagahan, ang salita ng Panginoon ay dumating kay propeta Gad na tagakita ni David, na sinasabi,

12 “Humayo ka at sabihin mo kay David, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon, Tatlong bagay ang iniaalok ko sa iyo. Pumili ka ng isa sa mga iyon upang aking gawin sa iyo.’”

13 Kaya't pumaroon si Gad kay David, at sinabi sa kanya, “Darating ba sa iyo ang pitong taong taggutom sa iyong lupain? O tatakas ka ba ng tatlong buwan sa harapan ng iyong mga kaaway samantalang tinutugis ka nila? O magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? Ngayo'y isaalang-alang mo, at ipasiya mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik sa kanya na nagsugo sa akin.”

14 At sinabi ni David kay Gad, “Ako'y lubhang nababalisa; hayaang mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon, sapagkat malaki ang kanyang kaawaan; ngunit huwag mo akong hayaang mahulog sa kamay ng tao.”

Ipinadala ang Salot

15 Sa gayo'y nagpadala ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon. At ang namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitumpung libong lalaki.

16 Nang iunat ng anghel ang kanyang kamay paharap sa Jerusalem upang wasakin ito, ikinalungkot ng Panginoon ang kasamaan, at sinabi sa anghel na gumagawa ng pagpuksa sa bayan, “Tama na; ngayo'y itigil mo na ang iyong kamay.” At ang anghel ng Panginoon ay nasa may giikan ni Arauna na Jebuseo.

17 Pagkatapos ay nagsalita si David sa Panginoon nang kanyang makita ang anghel na pumuksa sa bayan, at sinabi, “Ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kasamaan; ngunit ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sambahayan ng aking ama.”

18 At si Gad ay dumating nang araw na iyon kay David at sinabi sa kanya, “Umahon ka, magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo.”

19 Umahon si David ayon sa sinabi ni Gad, tulad ng iniutos ng Panginoon.

20 Nang tumanaw si Arauna, nakita niya ang hari at ang kanyang mga lingkod na papalapit sa kanya. Si Arauna ay lumabas at patirapang nagbigay-galang sa hari.

21 Sinabi ni Arauna, “Bakit ang aking panginoong hari ay naparito sa kanyang lingkod?” At sinabi ni David, “Upang bilhin ang iyong giikan, para mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon, upang ang salot ay maiiwas sa bayan.”

22 At sinabi ni Arauna kay David, “Kunin nawa ng aking panginoong hari at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti. Narito ang mga baka para sa handog na sinusunog, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka bilang panggatong.

23 Ang lahat ng ito, O hari, ay ibinibigay ni Arauna sa hari.” At sinabi ni Arauna sa hari, “Tanggapin ka nawa ng Panginoon mong Diyos.”

24 Ngunit sinabi ng hari kay Arauna, “Hindi, kundi bibilhin ko ito sa iyo sa halaga. Hindi ako mag-aalay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon kong Diyos nang hindi ko ginugulan ng anuman.” Sa gayo'y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limampung siklong pilak.

25 At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at ng mga handog pangkapayapaan. Sa gayo'y dininig ng Panginoon ang mga dalangin para sa lupain, at ang salot ay lumayo sa Israel.

Cross references

  1. 2 Samuel 24:1 : 1 Cro. 21:1-27
Next
2 Samuel 23
1 Mga Hari 1
Next
dropdown
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway