Add parallel Print Page Options

20 At si (A)Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.

21 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na (B)lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.

22 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.

23 Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. (C)At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.

Read full chapter