Add parallel Print Page Options

Ang pagbubulaan ni Siba tungkol kay Mephiboseth.

16 At nang si (A)David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si (B)Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang (C)kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.

At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng (D)nangapapagod sa ilang.

At sinabi ng hari, At nasaan ang anak ng iyong panginoon? At sinabi ni (E)Siba sa hari, Narito, siya'y tumatahan sa Jerusalem; sapagka't kaniyang sinabi, Ngayo'y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel, ang kaharian ng aking ama.

Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari.

Read full chapter

17 At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya, at si (A)Siba, na alila sa sangbahayan ni Saul, at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya; at sila'y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari.

Read full chapter

29 At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay? Aking sinabi, Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa.

Read full chapter