Add parallel Print Page Options

Si Eliseo at si Haring Ben-hadad ng Siria

Si Eliseo ay pumunta sa Damasco samantalang si Ben-hadad na hari ng Siria ay may sakit. At nagsalita sa kanya, na sinasabi, “Ang tao ng Diyos ay naparito,”

at sinabi ng hari kay Hazael, “Magdala ka ng isang kaloob, at humayo ka upang salubungin ang tao ng Diyos, at sumangguni ka sa Panginoon sa pamamagitan niya, na sinasabi, “Gagaling ba ako sa sakit na ito?”

Kaya't umalis si Hazael upang salubungin siya, at nagdala siya ng kaloob, ng bawat mabuting bagay sa Damasco, na apatnapung pasang kamelyo. Nang siya'y dumating at tumayo sa harapan niya, ay sinabi niya, “Sinugo ako sa iyo ng anak mong si Ben-hadad na hari ng Siria, na sinasabi, ‘Gagaling ba ako sa sakit na ito?’”

10 Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Humayo ka, sabihin mo sa kanya, ‘Ikaw ay tiyak na gagaling,’ subalit ipinakita sa akin ng Panginoon na siya'y tiyak na mamamatay.”

11 Kanyang itinuon ang kanyang paningin at tumitig sa kanya, hanggang sa siya'y napahiya. At ang tao ng Diyos ay umiyak.

12 At sinabi ni Hazael, “Bakit umiiyak ang aking panginoon?” At siya'y sumagot, “Sapagkat nalalaman ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel. Ang kanilang mga tanggulan ay iyong susunugin ng apoy, at ang kanilang mga kabataang lalaki ay iyong papatayin ng tabak, at dudurugin ang kanilang mga bata, at iyong bibiyakin ang tiyan ng mga babaing buntis.”

13 At(A) sinabi ni Hazael, “Magagawa ba ng iyong lingkod na isang aso lamang ang ganitong napakalaking bagay?” At sumagot si Eliseo, “Ipinakita sa akin ng Panginoon na ikaw ay magiging hari sa Siria.”

Read full chapter