Add parallel Print Page Options

24 At si Joram ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa (A)bayan ni David: at si (B)Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Read full chapter

(A)Si Joram ay tatlongpu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem.

At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; (B)sapagka't siya'y nagasawa sa anak ni Achab: at siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.

Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man.

Ang Edom ay naghimagsik.

Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, at naghalal ng hari sa kanilang sarili.

Nang magkagayo'y nagdaan si Joram (C)na kasama ang kaniyang mga punong kawal, at dala ang lahat niyang mga karo: at siya'y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga pinunong kawal sa mga karo.

10 Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, hanggang sa araw na ito: nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan: sapagka't kaniyang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.

Read full chapter