Add parallel Print Page Options

17 Ang(A) mga araw ay dumarating na ang lahat ng nasa iyong bahay at ang inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito ay tatangayin na patungo sa Babilonia; walang maiiwan, sabi ng Panginoon.

18 At(B) ilan sa iyong mga anak na lalaki na mula sa iyo na ipapanganak ay kukunin; at sila'y magiging mga eunuko sa bahay ng hari ng Babilonia.”

Read full chapter

10 Nang panahong iyon ang mga lingkod ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia ay nagsiahon sa Jerusalem, at ang lunsod ay kinubkob.

11 Si Haring Nebukadnezar ng Babilonia ay dumating sa lunsod, habang kinukubkob ito ng kanyang mga lingkod.

12 Nilabas(A) ni Jehoiakin na hari sa Juda ang hari ng Babilonia, siya, ang kanyang ina, mga lingkod, ang mga prinsipe, at ang mga pinuno ng kanyang palasyo. Kinuha siya ng hari ng Babilonia bilang bihag sa ikawalong taon ng kanyang paghahari.

13 Tinangay ang lahat ng kayamanan sa bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan sa bahay ng hari, at pinagputul-putol ang lahat ng sisidlang ginto na ginawa ni Haring Solomon sa templo ng Panginoon, gaya ng sinabi nang una ng Panginoon.

14 Kanyang tinangay ang buong Jerusalem, ang lahat ng pinuno, mga magigiting na mandirigma, sampung libong bihag, at ang lahat ng manggagawa at mga panday; walang nalabi maliban sa mga pinakadukha sa mamamayan ng lupain.

15 Dinala(B) niya si Jehoiakin sa Babilonia; ang ina ng hari, at mga asawa ng hari, at ang kanyang mga pinuno at pangunahing lalaki sa lupain ay dinala niyang bihag mula sa Jerusalem patungo sa Babilonia.

16 Dinalang-bihag sa Babilonia ng hari ng Babilonia ang lahat ng mandirigma na may bilang na pitong libo, at ang mga manggagawa at ang mga panday ay isanlibo, lahat sila ay malakas at angkop sa pakikidigma.

Read full chapter

10 Sa(A) tagsibol ng taon, si Nebukadnezar ay nagsugo at dinala siya sa Babilonia, pati ang mahahalagang kagamitan sa bahay ng Panginoon at si Zedekias na kanyang kapatid ay ginawang hari ng Juda at Jerusalem.

Read full chapter

At(A) ang iba sa iyong mga anak na ipapanganak sa iyo ay dadalhin. Sila'y magiging mga eunuko sa bahay ng hari ng Babilonia.”

Nang magkagayo'y sinabi ni Hezekias kay Isaias, “Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinabi.” Sapagkat kanyang sinabi, “Magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga araw.”

Read full chapter