Add parallel Print Page Options

“Nakatala rin sa kasaysayang iyon na, dahil sa utos ng Diyos, ipinag-utos ng propeta na dalhin kasunod niya ang Toldang Tagpuan at ang Kaban ng Tipan. Pagkatapos, humiwalay siya at umakyat sa bundok na inakyat ni Moises upang matanaw ang lupang pangako. Sa bundok ay nakakita si Jeremias ng isang yungib at doon niya dinala ang Tolda, ang Kaban ng Tipan at ang altar na sunugan ng insenso. Tinakpan niya ang yungib matapos maipasok ang mga dala niya.

“May ilan siyang kasamahan na nagtangkang sumunod sa kanya para tandaan ang landas na kanyang dinaanan, ngunit hindi nila matunton iyon. Nalaman ni Jeremias ang kanilang ginawa at nagalit siya. Sinabi niya, ‘Ang pook na iyon ay hindi ninyo dapat malaman hanggang hindi natitipong muli ng Diyos ang kanyang mga lingkod at hanggang sila'y hindi niya kinahahabagan. Kapag(A) sila'y natipon na, saka pa lamang niya iyon ipapaalam, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay makikita sa alapaap tulad sa kapanahunan ni Moises, at gaya din noong manalangin si Solomon at hilingin niyang dakilain at pabanalin ng Diyos ang dakong iyon.’

Read full chapter

Pagkatapos,(A) kinuha ng anghel ang sunugan ng insenso, pinuno ito ng apoy mula sa dambana, at inihagis sa lupa. Biglang kumulog, dumagundong, kumidlat at lumindol.

Read full chapter

18 Kumidlat,(A) kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol mula pa nang likhain ang tao dito sa lupa.

Read full chapter

21 Umulan(A) ng malalaking batong yelo na tumitimbang ng halos limampung (50) kilo bawat isa, at nabagsakan ang mga tao. At nilapastangan ng mga tao ang Diyos dahil sa nakakapangilabot na salot na iyon.

Read full chapter