Add parallel Print Page Options

21 Ipinalit ng mga taga-Juda si Azaria na anak ni Amazia bilang hari. Si Azaria[a] ay 16 na taong gulang nang maging hari. 22 Muli niyang itinayo ang Elat at naging bahagi ulit ito ng Juda nang mamatay ang ama niyang si Amazia.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:21 Azaria: o, Uzia.

Ang Paghahari ni Azaria sa Juda(A)

15 Naging hari ng Juda ang anak ni Amazia na si Azaria[a] nang ika-27 taon ng paghahari ni Jeroboam II sa Israel. Si Azaria ay 16 na taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 52 taon. Ang ina niya ay si Jecolia na taga-Jerusalem. Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Amazia. Pero hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar,[b] kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng mga insenso roon.

Binigyan siya ng Panginoon ng malubhang sakit sa balat,[c] na hindi gumaling hanggang sa araw nang kamatayan niya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo ng Juda at sa mga mamamayan. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Azaria, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. Nang mamatay si Azaria, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jotam ang pumalit sa kanya bilang hari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:1 Azaria: o, Uzia.
  2. 15:4 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  3. 15:5 malubhang sakit sa balat: Sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13.