Font Size
1 Samuel 28:3-6
Magandang Balita Biblia
1 Samuel 28:3-6
Magandang Balita Biblia
Sumangguni si Saul sa Isang Kumakausap sa Espiritu ng mga Namatay na
3 Patay(A) na noon si Samuel at ipinagluksa siya ng buong Israel. Siya'y inilibing nila sa Rama, sa kanyang sariling bayan. Noon ay pinalayas na ni Saul ang mga sumasangguni sa espiritu ng mga namatay na at ang mga manghuhula.
4 Ang mga Filisteo ay nagkampo sa Sunem at sina Saul naman ay sa Gilboa. 5 Nanginig sa takot si Saul nang makita niya ang hukbo ng mga Filisteo. 6 Nang(B) sumangguni siya kay Yahweh, hindi sumagot si Yahweh kahit sa pamamagitan ng panaginip, ni sa pamamagitan man ng Urim o ng mga propeta.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.