If I have the gift of (A)prophecy and know all (B)mysteries and all (C)knowledge, and if I have (D)all faith so as to (E)remove mountains, but do not have love, I am nothing. And if I (F)give away all my possessions to charity, and if I (G)surrender my body so that I may [a]glory, but do not have love, it does me no good.

Love (H)is patient, love is kind, it (I)is not jealous; love does not brag, it is not (J)arrogant. It does not act disgracefully, it (K)does not seek its own benefit; it is not provoked, (L)does not keep an account of a wrong suffered, (M)it does not rejoice in unrighteousness, but (N)rejoices with the truth; it [b](O)keeps every confidence, it believes all things, hopes all things, endures all things.

Love never fails; but if there are gifts of [c](P)prophecy, they will be done away with; if there are (Q)tongues, they will cease; if there is knowledge, it will be done away with.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinthians 13:3 I.e., in martyrdom
  2. 1 Corinthians 13:7 Lit covers all things
  3. 1 Corinthians 13:8 Lit prophecies

At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga (A)kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong (B)pananampalataya, (C)na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.

At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

Ang pagibig ay (D)mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi (E)mapagpalalo.

Hindi naguugaling mahalay, (F)hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;

Hindi nagagalak sa kalikuan, (G)kundi (H)nakikigalak sa katotohanan;

(I)Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging (J)mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

Read full chapter

At(A) kung mayroon akong kaloob ng propesiya, at nauunawaan ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at kung mayroon akong buong pananampalataya, upang mapalipat ko ang mga bundok, ngunit wala akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.

At kung ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin,[a] subalit walang pag-ibig, wala akong mapapakinabang.

Ang pag-ibig ay matiisin at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi maiinggitin, o mapagmalaki o hambog;

hindi magaspang ang kilos. Hindi nito ipinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nagtatala ng mga pagkakamali.

Hindi ito natutuwa sa masamang gawa, kundi natutuwa sa katotohanan.

Pinapasan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, tinitiis ang lahat ng bagay.

Ang pag-ibig ay walang katapusan. Subalit maging mga propesiya ay matatapos; maging mga wika ay titigil; maging kaalaman ay lilipas.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinto 13:3 Sa ibang mga kasulatan ay upang ako ay magmalaki .

Kung(A) ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin,[a] ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at lilipas ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinto 13:3 upang sunugin: Sa ibang manuskrito'y upang ako'y makapagyabang .