Font Size
1 Cronica 6:71-76
Ang Biblia, 2001
1 Cronica 6:71-76
Ang Biblia, 2001
71 Sa mga anak ni Gershon ay napabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati na ang mga pastulan doon, at ang Astarot pati na ang mga pastulan doon.
72 At mula sa lipi ni Isacar, ang Kedes pati na ang mga pastulan doon, ang Daberat pati na ang mga pastulan doon;
73 ang Ramot pati na ang mga pastulan doon, ang Anem pati na ang mga pastulan doon.
74 At mula sa lipi ni Aser, ang Masal pati na ang mga pastulan doon, ang Abdon pati na ang mga pastulan doon,
75 ang Hukok pati na ang mga pastulan doon, ang Rehob pati na ang mga pastulan doon.
76 At mula sa lipi ni Neftali; ang Kedes sa Galilea pati na ang mga pastulan doon, ang Hamon pati na ang mga pastulan doon, at ang Kiryataim pati na ang mga pastulan doon.
Read full chapter