1 Timoteo 5
Ang Biblia, 2001
Mga Tungkulin sa mga Mananampalataya
5 Huwag mong pagsabihan na may kagaspangan ang nakatatandang lalaki, kundi pakiusapan mo siyang tulad sa isang ama; sa mga kabataang lalaki na tulad sa mga kapatid;
2 sa matatandang babae na tulad sa mga ina; at sa mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae, na may buong kalinisan.
3 Parangalan mo ang mga babaing balo na tunay na balo.
4 Ngunit kung ang sinumang babaing balo ay may mga anak o mga apo, hayaang matutunan muna nila ang kanilang banal na tungkulin sa kanilang sariling sambahayan, at gantihan ang kanilang mga magulang, sapagkat ito'y kaaya-aya sa paningin ng Diyos.
5 Ang tunay na babaing balo at naiwang nag-iisa ay umaasa sa Diyos at nagpapatuloy sa mga pagdaing at mga panalangin gabi't araw;
6 subalit ang nabubuhay sa mga kalayawan, bagama't buháy ay patay.
7 Ang mga bagay na ito'y iutos mo rin naman upang sila'y hindi magkaroon ng kapintasan.
8 Ngunit kung ang sinuman ay hindi kumakalinga sa kanyang kamag-anak, lalung-lalo na sa kanyang sariling sambahayan, tinanggihan niya ang pananampalataya at siya'y masahol pa sa hindi mananampalataya.
9 Isama sa talaan ang babaing balo kung siya ay animnapung taong gulang pataas, at naging asawa ng iisang lalaki;
10 na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; na siya'y nagpalaki ng mga anak, na siya'y nagpatuloy ng mga panauhin sa kanyang tahanan, naghugas ng mga paa ng mga banal, dumamay sa mga naghihirap, at itinalaga niya ang sarili sa paggawa ng mabuti sa lahat ng paraan.
11 Ngunit huwag mong itala ang mga nakababatang babaing balo; sapagkat nang magkaroon sila ng masamang nasa na naghihiwalay sa kanila kay Cristo, ay nais nilang mag-asawa;
12 kaya't sila'y nagkakaroon ng kahatulan, sapagkat itinakuwil nila ang kanilang unang panata.
13 Bukod dito, natututo silang maging mga tamad, nagpapalipat-lipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi mga tsismosa at mga pakialamera, na nagsasalita ng mga bagay na hindi nararapat.
14 Kaya nga, ibig kong magsipag-asawa ang mga batang babaing balo, manganak, mamahala ng sambahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anumang kadahilanan ng panlilibak,
15 sapagkat ang mga iba'y bumaling at sumunod na kay Satanas.
16 Kung ang sinumang babaing nananampalataya ay may mga kamag-anak sa mga babaing balo, kanyang tulungan sila upang huwag nang mabigatan ang iglesya, at upang matulungan ng iglesya[a] ang mga tunay na balo.
17 Ang matatanda na namamahalang mabuti ay ituring na may karapatan sa ibayong karangalan, lalung-lalo na ang mga nagpapagal sa pangangaral at sa pagtuturo.
18 Sapagkat(A) sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong lalagyan ng busal ang baka kapag gumigiik,” at, “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kanyang sahod.”
19 Huwag(B) kang tatanggap ng sumbong laban sa matanda, maliban sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi.
20 Sila namang nagpapatuloy sa pagkakasala ay sawayin mo sa harapan ng lahat, upang ang iba nama'y matakot.
21 Inaatasan kita sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus, at ng mga anghel na hinirang, na iyong sundin ang mga bagay na ito na walang kinikilingan, at huwag mong gagawin ang anumang bagay nang may pagtatangi.
22 Huwag mong ipatong na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man, ni huwag kang makiisa sa mga kasalanan ng iba; panatilihin mong malinis ang iyong sarili.
23 Huwag ka nang iinom ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng kaunting alak dahil sa iyong tiyan at sa iyong madalas na pagkakasakit.
24 Ang mga kasalanan ng ibang tao ay hayag, at nauuna sa kanila sa paghuhukom, ngunit ang kasalanan ng iba ay susunod sa kanila roon.
25 Gayundin naman, ang mabubuting gawa ay hayag at kung hindi gayon, ang mga iyon ay hindi mananatiling lihim.
Footnotes
- 1 Timoteo 5:16 Sa Griyego ay nito .
1 Timoteo 5
Ang Dating Biblia (1905)
5 Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid:
2 Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan.
3 Papurihan mo ang mga babaing bao na tunay na bao.
4 Nguni't kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito muna ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at magsiganti sa kanilang mga magulang: sapagka't ito'y nakalulugod sa paningin ng Dios.
5 Kaya't ang tunay na babaing bao at walang nagaampon, ay may pagasa sa Dios, at nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin gabi't araw.
6 Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama't buhay ay patay.
7 Ang mga bagay na ito'y iutos mo rin naman, upang sila'y mawalan ng kapintasan.
8 Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.
9 Huwag itala na gaya ng babaing bao samantalang walang anim na pung taon, na naging asawa ng isang lalake,
10 Na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; kung siya'y nagalaga sa mga anak, kung siya'y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya'y naghugas ng mga paa ng mga banal, kung siya'y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa't mabuting gawa.
11 Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay nagsisipagnasang magasawa;
12 Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't itinakuwil nila ang unang pananampalataya.
13 At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi matatabil din naman at mga mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat.
14 Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak, magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak:
15 Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.
16 Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan ang iglesia, upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao.
17 Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.
18 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.
19 Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban sa dalawa o tatlong saksi.
20 Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama'y mangatakot.
21 Pinagbibilinan kita sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, at ng mga anghel na hinirang, na iyong ganapin ang mga bagay na ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo.
22 Huwag mong ipatong na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man, ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang iyong sarili.
23 Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na, na nagsisipanguna sa paghukom: at ang ilang mga tao naman ay kanilang sinusundan.
25 Gayon din naman ang mabubuting gawa ay hayag: at ang mga di gayo'y hindi maaaring ilihim.
1 Timoteo 5
Ang Salita ng Diyos
Payo Patungkol sa mga Balo, Matatanda at mga Alipin
5 Huwag mong sawayin ang isang matanda. Sa halip, hikayatin mo siya nang may katapatan tulad sa isang ama, gayundin naman sa mga nakakabatang lalaki, na tulad sa mga kapatid.
2 Hikayatin mo nang may katapatan ang matatandang babae na tulad sa mga ina, at ang mga nakakabatang babae na tulad sa mga kapatid na babae nang buong kalinisan.
3 Igalang mo ang mga balong babae na tunay na mga balo. 4 Ngunit kung ang balo ay may mga anak o mga apo, dapat na matutunan muna nilang ipakita na sila ay sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga nila sa kanilang sambahayan. Gantihan din nila ng kabutihan ang kanilang mga magulang at ninuno sapagkat mabuti at katanggap-tanggap ito sa harapan ng Diyos. 5 Ngayon, ang babae na isang tunay na balo at nag-iisa ay sa Diyos umaasa. Gabi at araw, siya ay nagpapatuloy sa paghiling sa Diyos at pananalangin. 6 Ngunit ang balo na nagpapakabuyo sa pansariling kasiyahan, bagaman siya ay nabubuhay, siya ay patay. 7 Upang sila ay hindi mapintasan, iutos mo ang mga bagay na ito sa kanila. 8 Kapag hindi paglaanan na sinuman ang pangangailangan ng kaniyang sarili, lalo na ang kaniyang sariling sambahayan, ay tumalikod na sa pananampalataya. Siya ay masahol pa sa isang hindi mananampalataya.
9 Kung ang isang balo ay mahigit nang animnapung taong gulang, isama mo ang kaniyang pangalan sa talaan ng mga balo. Dapat na siya ay naging asawa lamang ng isang lalaki. 10 Dapat nasaksihan ng mga tao ang kaniyang mabubuting gawa, tulad ng pagpapalaki niya sa kaniyang mga anak, pagpapatuloy niya sa mga taga-ibang bayan, paghugas niya sa mga paa ng mga banal, pagtulong niya sa mga nagulumihanan at kung iniukol niya ang kaniyang sarili sa lahat ng uri ng mabubuting gawa.
11 Tanggihan mong isama sa talaan ang mga batang babaeng balo sapagkat kung ang kanilang makalamang pagnanasa ay maging salungat kay Cristo, sila ay nagnanais na mag-asawa. 12 Sa dahilang itinakwil nila ang kanilang unang pananampalataya, hinahatulan sila ng Diyos. 13 Dagdag pa rito, natututo silang maging tamad na nagpapalipat-lipat sa mga bahay-bahay. Hindi lang sila mga tamad kundi sila ay mga masitsit[a] at nakikialam sa buhay ng ibang tao at nagsasabi ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin. 14 Kaya nga, ninanais ko na ang mga batang balo ay mag-asawa, na sila ay magkaanak at pangalagaan ang kanilang tahanan upang hindi sila magbigay ng pagkakataon sa kaaway na alipustain sila. 15 Ito ay sapagkat ang ilan ay tumalikod na at sumunod na kay Satanas.
16 Kung ang isang mananampalatayang lalaki o isang mananampalatayang babae ay may mga balo sa kanilang kamag-anakan, dapat niya silang tulungan upang hindi sila maging pabigat sa iglesiya. Sa ganoon, ang iglesiya ay makakatulong sa mga tunay na mga balo.
17 Ang mga matanda sa iglesiya na nangangasiwang mabuti ay ibilang na karapat-dapat na tumanggap ng ibayong pagpapahalaga, lalo na ang mga nagpapagal sa salita at sa pagtuturo. 18 Ito ay sapagkat sinabi ng kasulatan:
Huwag mong busalan ang baka habang gumigiik.
At ito rin ay nagsasabi:
Ang mga manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod.
19 Maliban sa dalawa o tatlong saksi ang magharap ng paratang laban sa matanda sa iglesiya, huwag mong itong tanggapin. 20 Ang mga nagkakasala ay sawayin mo sa harapan ng lahat upang ang iba ay matakot.
21 Mahigpit kong ipinagtatagubilin sa iyo sa harapan ng Diyos at Panginoong Jesucristo at ng mga anghel na pinili ng Diyos: Ingatan mo ang mga tagubiling ito. Huwag kang humatol kaagad-agad. Huwag kang magtangi ng isang tao nang higit kaysa iba.
22 Huwag kang magmadali sa pagtatalaga ng sinuman sa pamamagitan ng pagpapatong ng iyong kamay. Huwag kang makibahagi sa mga kasalanan ng iba. Panatilihin mong dalisay ang iyong sarili.
23 Huwag kang uminom ng tubig lamang. Dahil sa iyong sikmura at madalas mong pagkakasakit, gumamit ka ng kaunting alak.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na nakikita, na nauuna pa sa kanila sa paghuhukom. Ang mga kasalanan naman ng ibang tao ay sumusunod sa kanila. 25 Sa gayunding paraan, ang mabubuting gawa ay hayagang nakikita. Ang mga hindi mabubuting gawa ay hindi maililingid.
Footnotes
- 1 Timoteo 5:13 Ito ay ang walang pigil na pagdadala ng lahat ng uri ng usapin.
1 Timothy 5
New International Version
Widows, Elders and Slaves
5 Do not rebuke an older man(A) harshly,(B) but exhort him as if he were your father. Treat younger men(C) as brothers, 2 older women as mothers, and younger women as sisters, with absolute purity.
3 Give proper recognition to those widows who are really in need.(D) 4 But if a widow has children or grandchildren, these should learn first of all to put their religion into practice by caring for their own family and so repaying their parents and grandparents,(E) for this is pleasing to God.(F) 5 The widow who is really in need(G) and left all alone puts her hope in God(H) and continues night and day to pray(I) and to ask God for help. 6 But the widow who lives for pleasure is dead even while she lives.(J) 7 Give the people these instructions,(K) so that no one may be open to blame. 8 Anyone who does not provide for their relatives, and especially for their own household, has denied(L) the faith and is worse than an unbeliever.
9 No widow may be put on the list of widows unless she is over sixty, has been faithful to her husband, 10 and is well known for her good deeds,(M) such as bringing up children, showing hospitality,(N) washing the feet(O) of the Lord’s people, helping those in trouble(P) and devoting herself to all kinds of good deeds.
11 As for younger widows, do not put them on such a list. For when their sensual desires overcome their dedication to Christ, they want to marry. 12 Thus they bring judgment on themselves, because they have broken their first pledge. 13 Besides, they get into the habit of being idle and going about from house to house. And not only do they become idlers, but also busybodies(Q) who talk nonsense,(R) saying things they ought not to. 14 So I counsel younger widows to marry,(S) to have children, to manage their homes and to give the enemy no opportunity for slander.(T) 15 Some have in fact already turned away to follow Satan.(U)
16 If any woman who is a believer has widows in her care, she should continue to help them and not let the church be burdened with them, so that the church can help those widows who are really in need.(V)
17 The elders(W) who direct the affairs of the church well are worthy of double honor,(X) especially those whose work is preaching and teaching. 18 For Scripture says, “Do not muzzle an ox while it is treading out the grain,”[a](Y) and “The worker deserves his wages.”[b](Z) 19 Do not entertain an accusation against an elder(AA) unless it is brought by two or three witnesses.(AB) 20 But those elders who are sinning you are to reprove(AC) before everyone, so that the others may take warning.(AD) 21 I charge you, in the sight of God and Christ Jesus(AE) and the elect angels, to keep these instructions without partiality, and to do nothing out of favoritism.
22 Do not be hasty in the laying on of hands,(AF) and do not share in the sins of others.(AG) Keep yourself pure.(AH)
23 Stop drinking only water, and use a little wine(AI) because of your stomach and your frequent illnesses.
24 The sins of some are obvious, reaching the place of judgment ahead of them; the sins of others trail behind them. 25 In the same way, good deeds are obvious, and even those that are not obvious cannot remain hidden forever.
Footnotes
- 1 Timothy 5:18 Deut. 25:4
- 1 Timothy 5:18 Luke 10:7
Copyright © 1998 by Bibles International
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

