Add parallel Print Page Options

Dahil dito itinalaga ako ng Diyos na maging mangangaral at apostol. Nagsasalita ako ng katotohanan na na kay Cristo at hindi ako nagsisinungaling. Itinalaga niya ako upang magturo ng pananampalataya at katotohanan sa mga Gentil.

Kaya nga, ninais ko na ang mga lalaki ay manalangin sa lahat ng dako na itinataas ang kanilang mga kamay na banal na walang poot o pagtatalo.

Gayundin naman, ninais ko na gayakan ang mga babae ang kanilang sarili, manamit ng maayos, maging mahinhin at gina­gamit nang maayos ang pag-iisip. Hindi dapat na nakatirintas ang buhok, o nagsusuot ng ginto, o perlas o mga mamahaling damit.

Read full chapter