Add parallel Print Page Options

Alam natin na mabuti ang kautusan kapag ito ay ginamit sa wastong paraan. Alam natin na hindi itinalaga ng Diyos ang kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos, sa mga mapanghimagsik, sa mga hindi kumikilala sa Diyos, sa mga makasalanan, sa mga hindi banal at mga mapaglapastangan sa Diyos, para sa mga pumapatay ng kanilang ama o ina, at para sa mga mamamatay-tao. 10 Ito rin ay para sa mga mapakiapid, sa mga lalaki na nagpapagamit sa kapwa lalaki, sa mga magnanakaw ng tao, sa mga sinungaling at para sa mga bulaang saksi, para sa ano pa mang sumasalungat sa mapagkakatiwalaang katuruan.

Read full chapter