Add parallel Print Page Options

Utusan mo sila na huwag nilang bigyang pansin ang mga alamat at walang katapusang talaan ng mga angkan. Ang mga bagay na ito ay nagbubunga lamang ng mga pagtatalo. Hindi sila nagbubunga ng pamamahalang mula sa Diyos na sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit ang layunin ng utos na ito ay pag-ibig na mula sa isang pusong dalisay, isang mabuting budhi at walang pakunwaring pananampalataya. Ang ilan ay sumala na sa mga ito at napabaling sila sa mga usapang walang kabuluhan.

Read full chapter