Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa mga Huwad na Tagapagturo ng Kautusan

Nang ako ay pumunta sa Macedonia, ipinapayo ko sa iyo na manatili ka sa Efeso upang utusan mo ang ilang kalalakihan na huwag silang magturo ng kakaibang katuruan.

Utusan mo sila na huwag nilang bigyang pansin ang mga alamat at walang katapusang talaan ng mga angkan. Ang mga bagay na ito ay nagbubunga lamang ng mga pagtatalo. Hindi sila nagbubunga ng pamamahalang mula sa Diyos na sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit ang layunin ng utos na ito ay pag-ibig na mula sa isang pusong dalisay, isang mabuting budhi at walang pakunwaring pananampalataya.

Read full chapter