Add parallel Print Page Options

10 Ito rin ay para sa mga mapakiapid, sa mga lalaki na nagpapagamit sa kapwa lalaki, sa mga magnanakaw ng tao, sa mga sinungaling at para sa mga bulaang saksi, para sa ano pa mang sumasalungat sa mapagkakatiwalaang katuruan. 11 Ito ay ayon sa maluwalhating ebanghelyo ng Diyos na ating pinupuri, na ipinagkatiwala sa akin.

Ang Biyaya ng Diyos kay Pablo

12 Nagpapasalamat ako kay Cristo Jesus na Panginoon natin na siyang nagpalakas sa akin. Inari niya akong tapat at siya ang nagtalaga sa akin upang maglingkod sa kaniya.

Read full chapter