1 Tesalonica 5:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Lagi kayong magalak, 17 laging manalangin, 18 at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.
Read full chapter
Salmo 95:6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.
Salmo 150:6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mateo 6:9-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
9 Kaya manalangin kayo ng katulad nito:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa kayo ng mga tao.[a]
10 Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari,
at masunod ang inyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 Bigyan nʼyo po kami ng aming pagkain sa araw-araw.
12 Patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin.
13 At huwag nʼyo kaming hayaang matukso
kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas.[b]
[Sapagkat kayo ang Hari, ang Makapangyarihan at Dakilang Dios magpakailanman!]’
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®