Add parallel Print Page Options

Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, (A)sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios (B)upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.

Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa (C)karumihan, ni sa pagdaraya.

Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; (D)hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.

Read full chapter