Add parallel Print Page Options

Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi (A)sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.

Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin (B)kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at (C)kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga (D)diosdiosan, upang mangaglingkod sa (E)Dios na buhay at tunay,

10 (F)At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga (G)na nagligtas (H)sa atin mula sa galit na darating.

Read full chapter