Add parallel Print Page Options

16 Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, (A)at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking (B)tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin.

Read full chapter

Binuhusan ni Samuel si Saul ng langis upang maging hari.

10 (A)Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang (B)mana?

Read full chapter