1 Samuel 8
Ang Biblia (1978)
Ang bayan ay humingi ng hari.
8 At nangyari, nang si Samuel ay matanda na, na kaniyang (A)ginawang mga hukom sa Israel ang kaniyang mga anak.
2 Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia: sila'y mga hukom sa (B)Beer-seba.
3 At ang kaniyang mga anak ay hindi lumakad sa kaniyang mga daan, kundi (C)lumingap sa mahalay na kapakinabangan, at (D)tumanggap ng mga suhol, at sinira ang paghatol.
4 Nang magkagayo'y nagpipisan ang mga matanda ng Israel, at naparoon kay Samuel sa Ramatha;
5 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito, ikaw ay matanda na, at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan: ngayon nga'y (E)lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.
6 Nguni't hindi minabuti ni Samuel, nang kanilang sabihin, Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin. At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon.
7 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't (F)hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila (G)ako, upang huwag akong maghari sa kanila.
8 Ayon sa lahat na gawa na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Egipto hanggang sa araw na ito, sa kanilang pagiiwan sa akin, at paglilingkod sa ibang mga dios ay gayon ang ginagawa nila sa iyo.
9 Ngayon nga'y (H)dinggin mo ang kanilang tinig: gayon ma'y tatanggi kang mainam sa kanila, (I)at ipakikilala mo sa kanila ang paraan ng hari na maghahari sa kanila.
Si Samuel ay tumutol nguni't sumangayon din sa mahigpit nilang paghingi.
10 At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kaniya ng isang hari.
11 At kaniyang sinabi, (J)Ito ang magiging paraan ng hari na maghahari sa inyo: kaniyang kukunin ang inyong mga anak at kaniyang ilalagay sa kaniyang mga karo, at upang maging mga mangangabayo niya; at sila'y tatakbo sa unahan ng kaniyang mga karo;
12 At kaniyang mga ihahalal sa kaniya na mga kapitan ng lilibuhin at mga kapitan ng lilimangpuin; at ang iba ay upang (K)umararo ng kaniyang lupa, at umani ng kaniyang aanihin, at upang gumawa ng kaniyang mga sangkap na pangdigma, at sangkap sa kaniyang mga karo.
13 At kaniyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging (L)mga manggagawa ng pabango, at maging mga tagapagluto, at maging mga magtitinapay.
14 (M)At kaniyang kukunin ang inyong mga bukid, at ang inyong mga ubasan, at ang inyong mga olibohan, sa makatuwid baga'y ang pinakamabuti sa mga yaon, upang mga ibigay sa kaniyang mga lingkod.
15 At kaniyang kukunin ang ika-sangpung bahagi ng inyong binhi, at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kaniyang mga punong kawal, at sa kaniyang mga lingkod.
16 At kaniyang kukunin ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang inyong pinakamabuting bataan, at ang inyong mga asno, at mga ilalagay sa kaniyang mga gawain.
17 Kaniyang kukunin ang ikasangpung bahagi ng inyong mga kawan: at kayo'y magiging kaniyang mga lingkod.
18 At kayo'y dadaing sa araw na yaon, dahil sa inyong hari na inyong pipiliin; (N)at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon.
19 Nguni't tinanggihang dinggin ng bayan ang tinig ni Samuel; at kanilang sinabi, Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin;
20 Upang kami naman ay (O)maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang hatulan kami ng aming hari, at lumabas sa unahan namin, at ipakipaglaban ang aming pakikipagbaka.
21 At narinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan, at kaniyang mga isinaysay sa pakinig ng Panginoon.
22 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, (P)Dinggin mo ang kanilang tinig at lagyan mo sila ng hari. At sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel, Yumaon ang bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang bayan.
1 Samuel 8
La Bible du Semeur
Les Israélites demandent un roi
8 Samuel, devenu vieux, confia à ses fils l’administration de la justice en Israël. 2 L’aîné s’appelait Joël et le cadet Abiya. Ils s’établirent à Beer-Sheva[a] pour y rendre la justice. 3 Mais ils ne suivaient pas les traces de leur père : comme ils étaient corrompus par l’amour de l’argent, ils acceptaient des pots-de-vin et faussaient le droit. 4 C’est pourquoi tous les responsables d’Israël se réunirent auprès de Samuel à Rama. 5 Ils lui déclarèrent : Te voilà devenu âgé, et tes fils ne suivent pas tes traces ; maintenant, établis sur nous un roi pour qu’il nous dirige[b] comme cela se fait chez tous les autres peuples[c].
6 Cette demande d’établir sur eux un roi pour les diriger déplut à Samuel et il pria l’Eternel. 7 L’Eternel lui répondit : Ecoute ce peuple et accepte toutes leurs demandes. En effet, ce n’est pas toi qu’ils rejettent, c’est moi : ils ne veulent plus que je règne sur eux. 8 Ils agissent à ton égard comme ils n’ont cessé d’agir envers moi depuis le jour où je les ai fait sortir d’Egypte jusqu’à aujourd’hui : ils m’ont abandonné pour rendre un culte à d’autres dieux. 9 Maintenant, fais donc ce qu’ils te demandent, mais avertis-les bien en leur faisant connaître les droits du roi qui régnera sur eux.
Les droits du roi
10 Samuel rapporta au peuple qui lui demandait un roi toutes les paroles de l’Eternel. 11 Il leur dit : Voilà quels seront les droits du roi qui régnera sur vous. Il prendra vos fils pour en faire ses soldats et les affectera au service de ses chars de guerre et de ses chevaux, et ils auront à courir devant son char personnel[d]. 12 Il choisira certains parmi eux pour en faire des officiers commandant de « milliers » et de « cinquantaines[e] ». Il en prendra d’autres pour labourer ses champs et récolter ses moissons, ou pour fabriquer ses armes et l’équipement de ses chars. 13 Il prendra vos filles comme parfumeuses, cuisinières et boulangères. 14 Il prendra vos champs, vos vignes et vos meilleurs oliviers pour les donner à ses hauts fonctionnaires. 15 Il prélèvera une redevance de dix pour cent sur les produits de vos champs et de vos vignes et il la distribuera à ses courtisans et à ses hauts fonctionnaires. 16 Il prendra vos serviteurs, vos servantes et vos jeunes gens[f] vigoureux, et même vos ânes, et il s’en servira pour ses propres travaux. 17 Il prélèvera une bête sur dix dans vos troupeaux et vous deviendrez ses serviteurs. 18 Ce jour-là, vous vous lamenterez à cause du roi que vous aurez choisi, mais l’Eternel ne vous écoutera pas.
19 Le peuple refusa de tenir compte des avertissements de Samuel. Les Israélites insistèrent en déclarant : Qu’importe ! Nous voulons quand même un roi. 20 Nous voulons, nous aussi, être dirigés comme tous les autres peuples. Notre roi rendra la justice parmi nous et prendra notre commandement pour nous mener au combat.
21 Samuel écouta tout ce que disait le peuple et le rapporta à l’Eternel. 22 L’Eternel lui répondit : Accorde-leur ce qu’ils te demandent et établis un roi sur eux !
Puis Samuel dit aux gens d’Israël : Que chacun retourne dans sa ville !
Footnotes
- 8.2 A 70 kilomètres au sud-ouest de Jérusalem, donc loin de la région où Samuel rendait la justice : c’est donc pour compléter son action que Samuel institua ses fils, non pour qu’ils le remplacent ou prennent sa succession.
- 8.5 Autre traduction : pour qu’il rende la justice pour nous (de même aux v. 6 et 20).
- 8.5 Voir Dt 17.14.
- 8.11 Les chars royaux étaient précédés de coureurs (2 S 15.1 ; 1 R 1.5).
- 8.12 Il s’agit peut-être là de régiments et de compagnies de soldats comportant respectivement quelques centaines et quelques dizaines d’hommes.
- 8.16 Au lieu de : vos jeunes gens, l’ancienne version grecque a : votre bétail.
1 Samuel 8
Ang Biblia, 2001
Ang Israel ay Humingi ng Hari
8 Nang si Samuel ay matanda na, ginawa niyang mga hukom sa Israel ang kanyang mga anak.
2 Ang pangalan ng kanyang panganay na anak ay Joel at ang pangalawa ay Abias. Sila'y mga hukom sa Beer-seba.
3 Ngunit ang kanyang mga anak ay hindi sumunod sa kanyang mga daan, kundi tumalikod dahil sa pakinabang. Sila'y tumanggap ng mga suhol at binaluktot ang katarungan.
4 Nang magkagayo'y nagtipun-tipon ang mga matanda ng Israel at pumaroon kay Samuel sa Rama.
5 At(A) kanilang sinabi sa kanya, “Ikaw ay matanda na at ang iyong mga anak ay hindi sumusunod sa iyong mga daan. Humirang ka ngayon para sa amin ng isang hari upang mamahala sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.”
6 Ngunit hindi minabuti ni Samuel nang kanilang sabihin, “Bigyan mo kami ng isang hari upang mamahala sa amin.” At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon.
7 Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako bilang hari nila.
8 Ayon sa lahat ng mga bagay na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito, na kanilang tinatalikuran ako at naglilingkod sa ibang mga diyos ay gayundin ang ginagawa nila sa iyo.
9 Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig; lamang ay balaan mo silang mabuti, at ipakita mo sa kanila ang mga pamamaraan ng hari na maghahari sa kanila.”
Nagbabala si Samuel
10 Kaya't iniulat ni Samuel ang lahat ng mga salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kanya ng isang hari.
11 Sinabi niya, “Ito ang magiging mga palakad ng hari na maghahari sa inyo: kanyang kukunin ang inyong mga anak at kanyang ilalagay sa kanyang mga karwahe upang maging mga mangangabayo na tatakbo sa unahan ng kanyang mga karwahe.
12 Siya'y hihirang para sa kanya ng mga pinuno ng libu-libo at mga pinuno ng tiglilimampu; at ang iba ay upang mag-araro ng kanyang lupa, at gumapas ng kanyang ani, at upang gumawa ng kanyang mga kagamitang pandigma at mga kagamitan ng kanyang mga karwahe.
13 Kanyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango, mga tagapagluto, at mga magtitinapay.
14 Kukunin niya ang pinakamainam ninyong mga bukid, mga ubasan, at mga taniman ng olibo upang ibigay ang mga iyon sa kanyang mga lingkod.
15 Kukunin niya ang ikasampung bahagi ng inyong butil at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kanyang mga punong-kawal at mga lingkod.
16 Kanyang kukunin ang inyong mga aliping lalaki at aliping babae, ang inyong pinakamabuting kabataan, at ang inyong mga asno, at ilalagay niya sa kanyang mga gawain.
17 Kanyang kukunin ang ikasampung bahagi ng inyong mga kawan at kayo'y magiging kanyang mga alipin.
18 Sa araw na iyon kayo'y daraing dahil sa inyong hari na inyong pinili para sa inyong sarili; ngunit hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na iyon.”
19 Ngunit tumangging makinig ang bayan sa tinig ni Samuel at kanilang sinabi, “Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari,
20 upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang mamahala sa amin ang aming hari at lumabas sa unahan namin at lumaban sa aming mga digmaan.”
21 Nang marinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan, kanyang inulit ang mga iyon sa pandinig ng Panginoon.
22 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang kanilang tinig at bigyan mo sila ng hari.” Sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel, “Umuwi ang bawat isa sa inyo sa kanya-kanyang lunsod.”
1 Samuel 8
Ang Dating Biblia (1905)
8 At nangyari, nang si Samuel ay matanda na, na kaniyang ginawang mga hukom sa Israel ang kaniyang mga anak.
2 Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia: sila'y mga hukom sa Beer-seba.
3 At ang kaniyang mga anak ay hindi lumakad sa kaniyang mga daan, kundi lumingap sa mahalay na kapakinabangan, at tumanggap ng mga suhol, at sinira ang paghatol.
4 Nang magkagayo'y nagpipisan ang mga matanda ng Israel, at naparoon kay Samuel sa Ramatha;
5 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito, ikaw ay matanda na, at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan: ngayon nga'y lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.
6 Nguni't hindi minabuti ni Samuel, nang kanilang sabihin, Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin. At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon.
7 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako, upang huwag akong maghari sa kanila.
8 Ayon sa lahat na gawa na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Egipto hanggang sa araw na ito, sa kanilang pagiiwan sa akin, at paglilingkod sa ibang mga dios ay gayon ang ginagawa nila sa iyo.
9 Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig: gayon ma'y tatanggi kang mainam sa kanila, at ipakikilala mo sa kanila ang paraan ng hari na maghahari sa kanila.
10 At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kaniya ng isang hari.
11 At kaniyang sinabi, Ito ang magiging paraan ng hari na maghahari sa inyo: kaniyang kukunin ang inyong mga anak at kaniyang ilalagay sa kaniyang mga karo, at upang maging mga mangangabayo niya; at sila'y tatakbo sa unahan ng kaniyang mga karo;
12 At kaniyang mga ihahalal sa kaniya na mga kapitan ng lilibuhin at mga kapitan ng lilimangpuin; at ang iba ay upang umararo ng kaniyang lupa, at umani ng kaniyang aanihin, at upang gumawa ng kaniyang mga sangkap na pangdigma, at sangkap sa kaniyang mga karo.
13 At kaniyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango, at maging mga tagapagluto, at maging mga magtitinapay.
14 At kaniyang kukunin ang inyong mga bukid, at ang inyong mga ubasan, at ang inyong mga olibohan, sa makatuwid baga'y ang pinakamabuti sa mga yaon, upang mga ibigay sa kaniyang mga lingkod.
15 At kaniyang kukunin ang ika-sangpung bahagi ng inyong binhi, at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kaniyang mga punong kawal, at sa kaniyang mga lingkod.
16 At kaniyang kukunin ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang inyong pinakamabuting bataan, at ang inyong mga asno, at mga ilalagay sa kaniyang mga gawain.
17 Kaniyang kukunin ang ikasangpung bahagi ng inyong mga kawan: at kayo'y magiging kaniyang mga lingkod.
18 At kayo'y dadaing sa araw na yaon, dahil sa inyong hari na inyong pipiliin; at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon.
19 Nguni't tinanggihang dinggin ng bayan ang tinig ni Samuel; at kanilang sinabi, Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin;
20 Upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang hatulan kami ng aming hari, at lumabas sa unahan namin, at ipakipaglaban ang aming pakikipagbaka.
21 At narinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan, at kaniyang mga isinaysay sa pakinig ng Panginoon.
22 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang kanilang tinig at lagyan mo sila ng hari. At sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel, Yumaon ang bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang bayan.
1 Samuel 8
Revised Geneva Translation
8 When Samuel had now become old, he made his sons judges over Israel,
2 judges in Beersheba. The name of his eldest son was Joel and the name of the second was Abijah.
3 And his sons did not walk in his ways, but turned aside after unjust gain, and took bribes, and perverted their judgment.
4 Therefore, all the elders of Israel gathered themselves together and came to Samuel, to Ramah,
5 and said to him, “Behold, you are old. And your sons do not walk in your ways. Make us now a king to judge us, like all the nations.”
6 But the thing displeased Samuel when they said, “Give us a king to judge us.” And Samuel prayed to the LORD.
7 And the LORD said to Samuel, “Hear the voice of the people in all that they shall say to you. For they have not cast you away, but have cast Me away, so that I would not reign over them.
8 “As they have always done, since I brought them out of Egypt up until this day (forsaking Me and serving other gods), even so they do to you.
9 “Now, therefore, listen to their voice. However, still testify to them and show them the behavior of the king who shall reign over them.”
10 So, Samuel told all the Words of the LORD to the people who asked for a king from Him.
11 And he said, “This shall be the behavior of the king who shall reign over you: He will take your sons and appoint them to his chariots and to be his horsemen. And some shall run before his chariot.
12 “Also, he will make them his captains over thousands, and captains over fifties, and to plow his ground, and to reap his harvest, and to make instruments of war, and the things that serve for his chariots.
13 “He will also take your daughters and make them apothecaries and cooks and bakers.
14 “And he will take your fields and your vineyards and your best olive trees and give them to his servants.
15 “And he will take a tenth of your seed, and of your vineyards, and give it to his eunuchs and to his servants.
16 “And he will take your menservants and your maidservants and the chief of your young men and your donkeys and put them to work for him.
17 “He will take a tenth of your sheep. And you shall be his servants.
18 “And you shall cry out on that day because of your king whom you have chosen for yourselves. And the LORD will not hear you on that day.”
19 But the people would not hear the voice of Samuel, but said, “No, but there shall be a king over us!
20 “And we, also, will be like all other nations; and our king shall judge us and go out before us and fight our battles!”
21 Therefore, when Samuel heard all the words of the people, he repeated them in the Ears of the LORD.
22 And the LORD said to Samuel, “Listen to their voice; and make them a king.” And Samuel said to the men of Israel, “Every man go to his city!”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
La Bible Du Semeur (The Bible of the Sower) Copyright © 1992, 1999 by Biblica, Inc.®
Used by permission. All rights reserved worldwide.
© 2019, 2024 by Five Talents Audio. All rights reserved.
