1 Samuel 8
Ang Biblia, 2001
Ang Israel ay Humingi ng Hari
8 Nang si Samuel ay matanda na, ginawa niyang mga hukom sa Israel ang kanyang mga anak.
2 Ang pangalan ng kanyang panganay na anak ay Joel at ang pangalawa ay Abias. Sila'y mga hukom sa Beer-seba.
3 Ngunit ang kanyang mga anak ay hindi sumunod sa kanyang mga daan, kundi tumalikod dahil sa pakinabang. Sila'y tumanggap ng mga suhol at binaluktot ang katarungan.
4 Nang magkagayo'y nagtipun-tipon ang mga matanda ng Israel at pumaroon kay Samuel sa Rama.
5 At(A) kanilang sinabi sa kanya, “Ikaw ay matanda na at ang iyong mga anak ay hindi sumusunod sa iyong mga daan. Humirang ka ngayon para sa amin ng isang hari upang mamahala sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.”
6 Ngunit hindi minabuti ni Samuel nang kanilang sabihin, “Bigyan mo kami ng isang hari upang mamahala sa amin.” At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon.
7 Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako bilang hari nila.
8 Ayon sa lahat ng mga bagay na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito, na kanilang tinatalikuran ako at naglilingkod sa ibang mga diyos ay gayundin ang ginagawa nila sa iyo.
9 Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig; lamang ay balaan mo silang mabuti, at ipakita mo sa kanila ang mga pamamaraan ng hari na maghahari sa kanila.”
Nagbabala si Samuel
10 Kaya't iniulat ni Samuel ang lahat ng mga salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kanya ng isang hari.
11 Sinabi niya, “Ito ang magiging mga palakad ng hari na maghahari sa inyo: kanyang kukunin ang inyong mga anak at kanyang ilalagay sa kanyang mga karwahe upang maging mga mangangabayo na tatakbo sa unahan ng kanyang mga karwahe.
12 Siya'y hihirang para sa kanya ng mga pinuno ng libu-libo at mga pinuno ng tiglilimampu; at ang iba ay upang mag-araro ng kanyang lupa, at gumapas ng kanyang ani, at upang gumawa ng kanyang mga kagamitang pandigma at mga kagamitan ng kanyang mga karwahe.
13 Kanyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango, mga tagapagluto, at mga magtitinapay.
14 Kukunin niya ang pinakamainam ninyong mga bukid, mga ubasan, at mga taniman ng olibo upang ibigay ang mga iyon sa kanyang mga lingkod.
15 Kukunin niya ang ikasampung bahagi ng inyong butil at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kanyang mga punong-kawal at mga lingkod.
16 Kanyang kukunin ang inyong mga aliping lalaki at aliping babae, ang inyong pinakamabuting kabataan, at ang inyong mga asno, at ilalagay niya sa kanyang mga gawain.
17 Kanyang kukunin ang ikasampung bahagi ng inyong mga kawan at kayo'y magiging kanyang mga alipin.
18 Sa araw na iyon kayo'y daraing dahil sa inyong hari na inyong pinili para sa inyong sarili; ngunit hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na iyon.”
19 Ngunit tumangging makinig ang bayan sa tinig ni Samuel at kanilang sinabi, “Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari,
20 upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang mamahala sa amin ang aming hari at lumabas sa unahan namin at lumaban sa aming mga digmaan.”
21 Nang marinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan, kanyang inulit ang mga iyon sa pandinig ng Panginoon.
22 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang kanilang tinig at bigyan mo sila ng hari.” Sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel, “Umuwi ang bawat isa sa inyo sa kanya-kanyang lunsod.”
撒母耳记上 8
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
以色列人要求立王
8 撒母耳在年老的时候立了他的儿子做以色列人的士师。 2 他的长子是约珥,次子是亚比亚,他们在别示巴做士师。 3 然而,他们没有效法自己的父亲,而是爱慕不义之财,贪赃枉法。
4 于是,以色列的长老一起到拉玛去见撒母耳, 5 说:“你年纪大了,你的儿子不效法你。现在求你为我们立一个王治理我们,像其他国家一样。” 6 撒母耳听到他们要求立一个王治理他们,心中不悦,就向耶和华祷告。 7 耶和华对撒母耳说:“你照他们所说的去做吧,因为他们不是拒绝你,而是拒绝我做他们的王。 8 自从我把他们从埃及领出来以后,他们就常常背弃我,去供奉其他神明。现在,他们也这样对待你。 9 你就照他们所求的去做吧!但你要警告他们,让他们知道将来王会怎样管辖他们。”
10 撒母耳就把耶和华的话转告给那些请求他立王的民众,说: 11 “将来管辖你们的王会征用你们的儿子做他的战车兵、骑兵,要他们跑在他的战车前面。 12 他会派一些人做千夫长、五十夫长,一些人为他耕种田地、收割庄稼,一些人制造兵器和战车的装备。 13 他会把你们的女儿带走,要她们给他造香膏、煮饭和烤饼。 14 他会夺去你们最好的田地、葡萄园和橄榄园,送给他的臣仆。 15 他会从你们的粮食和葡萄园的出产中收取十分之一,送给他的官员和臣仆。 16 他会征用你们的仆婢及最好的牛[a]和驴来为他效劳。 17 他会拿去你们羊群的十分之一,并让你们做他的奴仆。 18 将来你们会因所选之王的压迫而呼求耶和华,耶和华却不会垂听你们。”
19 民众却不肯听从撒母耳的话。他们说:“不,我们想要一个王治理我们, 20 这样我们就会像其他国家一样,有王来统治我们,率领我们,为我们作战。” 21 撒母耳把这些人的话一五一十地告诉了耶和华。 22 耶和华对撒母耳说:“照他们说的去为他们立一个王吧。”于是,撒母耳对以色列人说:“你们各人回自己的城去吧。”
Footnotes
- 8:16 “牛”有古卷作“青年”。
1 Samuel 8
New International Version
Israel Asks for a King
8 When Samuel grew old, he appointed(A) his sons as Israel’s leaders.[a] 2 The name of his firstborn was Joel and the name of his second was Abijah,(B) and they served at Beersheba.(C) 3 But his sons(D) did not follow his ways. They turned aside(E) after dishonest gain and accepted bribes(F) and perverted(G) justice.
4 So all the elders(H) of Israel gathered together and came to Samuel at Ramah.(I) 5 They said to him, “You are old, and your sons do not follow your ways; now appoint a king(J) to lead[b](K) us, such as all the other nations(L) have.”
6 But when they said, “Give us a king(M) to lead us,” this displeased(N) Samuel; so he prayed to the Lord. 7 And the Lord told him: “Listen(O) to all that the people are saying to you; it is not you they have rejected,(P) but they have rejected me as their king.(Q) 8 As they have done from the day I brought them up out of Egypt until this day, forsaking(R) me and serving other gods, so they are doing to you. 9 Now listen to them; but warn them solemnly and let them know(S) what the king who will reign over them will claim as his rights.”
10 Samuel told(T) all the words of the Lord to the people who were asking him for a king. 11 He said, “This is what the king who will reign over you will claim as his rights: He will take(U) your sons and make them serve(V) with his chariots and horses, and they will run in front of his chariots.(W) 12 Some he will assign to be commanders(X) of thousands and commanders of fifties, and others to plow his ground and reap his harvest, and still others to make weapons of war and equipment for his chariots. 13 He will take your daughters to be perfumers and cooks and bakers. 14 He will take the best of your(Y) fields and vineyards(Z) and olive groves and give them to his attendants.(AA) 15 He will take a tenth(AB) of your grain and of your vintage and give it to his officials and attendants. 16 Your male and female servants and the best of your cattle[c] and donkeys he will take for his own use. 17 He will take a tenth of your flocks, and you yourselves will become his slaves. 18 When that day comes, you will cry out for relief from the king you have chosen, but the Lord will not answer(AC) you in that day.(AD)”
19 But the people refused(AE) to listen to Samuel. “No!” they said. “We want(AF) a king(AG) over us. 20 Then we will be like all the other nations,(AH) with a king to lead us and to go out before us and fight our battles.”
21 When Samuel heard all that the people said, he repeated(AI) it before the Lord. 22 The Lord answered, “Listen(AJ) to them and give them a king.”
Then Samuel said to the Israelites, “Everyone go back to your own town.”
Footnotes
- 1 Samuel 8:1 Traditionally judges
- 1 Samuel 8:5 Traditionally judge; also in verses 6 and 20
- 1 Samuel 8:16 Septuagint; Hebrew young men
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

