Add parallel Print Page Options

At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't (A)hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila (B)ako, upang huwag akong maghari sa kanila.

Read full chapter

19 (A)Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y (B)humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyo-inyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo.

Read full chapter

12 At nang makita ninyo na si (A)Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, (B)ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; (C)dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari.

Read full chapter

17 Hindi ba (A)pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na (B)ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.

Read full chapter

19 At sinabi ng buong bayan kay Samuel, (A)Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.

Read full chapter