1 Samuel 6
Ang Biblia (1978)
Ang kaban ay isinauli na may kasamang handog.
6 At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan.
2 At (A)tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako.
3 At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay (B)huwag ninyong ipadalang walang laman; (C)kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.
4 Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong (D)dagá (E)ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.
5 Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na (F)sumira ng lupain, (G)at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: (H)baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay (I)sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain.
6 Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso, na (J)gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso? Nang siya'y makagawa ng kahangahanga sa kanila, di ba nila pinayaon ang bayan, at sila'y yumaon?
7 (K)Ngayon nga'y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo, (L)at dalawang bagong bakang gatasan, na hindi napatungan ng pamatok; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo, at iuwi ninyo ang kanilang mga guya.
8 At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon, at isilid ninyo sa karo; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at inyong ipadala upang yumaon.
9 At tingnan ninyo; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa (M)Beth-semes, ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito: nguni't kung hindi, malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin; isang pagkakataong nangyari sa atin.
10 At ginawang gayon ng mga lalake, at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan, at mga ikinabit sa karo, at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay:
11 At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo, at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol.
12 At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes; sila'y nagpatuloy sa (N)lansangan, na umuungal habang yumayaon, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes.
13 At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon.
14 At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita, at tumayo roon, sa kinaroroonan ng isang malaking bato: at kanilang biniyak ang kahoy ng karo, at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin.
15 At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon, at ang kaha na kasama niyaon, na may silid na mga hiyas na ginto, at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa (O)Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon.
16 At nang (P)makita ng limang pangulo ng mga Filisteo, ay bumalik sa (Q)Ecron nang araw ding yaon.
17 At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: sa (R)Asdod ay isa, sa (S)Gaza ay isa, sa (T)Ascalon ay isa, sa (U)Gath ay isa, sa Ecron ay isa;
18 At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga (V)nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa (W)malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita.
19 At sumakit ang (X)Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay.
20 At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, (Y)Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na (Z)Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin?
21 At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa (AA)Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo.
1 Samuel 6
English Standard Version
The Ark Returned to Israel
6 The ark of the Lord was in the country of the Philistines seven months. 2 And the Philistines called for the priests and (A)the diviners and said, “What shall we do with the ark of the Lord? Tell us with what we shall send it to its place.” 3 They said, “If you send away the ark of the God of Israel, do not send it empty, but by all means return him (B)a guilt offering. Then you will be healed, and it will be known to you why (C)his hand does not turn away from you.” 4 And they said, “What is the guilt offering that we shall return to him?” They answered, “Five golden (D)tumors and five golden mice, (E)according to the number of the lords of the Philistines, for the same plague was on all of you and on your lords. 5 So you must make images of your (F)tumors and images of your mice that ravage the land, (G)and give glory to the God of Israel. Perhaps (H)he will lighten his hand from off you (I)and your gods and your land. 6 Why should you harden your hearts as (J)the Egyptians and (K)Pharaoh hardened their hearts? After he had dealt severely with them, (L)did they not send the people away, and they departed? 7 Now then, take and prepare (M)a new cart and two milk cows (N)on which there has never come a yoke, and yoke the cows to the cart, but take their calves home, away from them. 8 And take the ark of the Lord and place it on the cart and put in a box at its side (O)the figures of gold, which you are returning to him as (P)a guilt offering. Then send it off and let it go its way 9 and watch. If it goes up on the way to its own land, to (Q)Beth-shemesh, then it is he who has done us this great harm, but if not, then we shall know that it is not (R)his hand that struck us; it happened to us by coincidence.”
10 The men did so, and took two milk cows and yoked them to the cart and shut up their calves at home. 11 And they put the ark of the Lord on the cart and the box with the golden mice and the images of their tumors. 12 And the cows went straight in the direction of (S)Beth-shemesh along (T)one highway, lowing as they went. They turned neither to the right nor to the left, and the lords of the Philistines went after them as far as the border of (U)Beth-shemesh. 13 Now the people of (V)Beth-shemesh were reaping their wheat harvest in the valley. And when they lifted up their eyes and saw the ark, they rejoiced to see it. 14 The cart came into the field of Joshua of Beth-shemesh and stopped there. (W)A great stone was there. And they split up the wood of the cart and offered the cows as a burnt offering to the Lord. 15 And the Levites took down the ark of the Lord and the box that was beside it, in which were the golden figures, and set them upon (X)the great stone. And the men of (Y)Beth-shemesh offered burnt offerings and sacrificed sacrifices on that day to the Lord. 16 And when (Z)the five lords of the Philistines saw it, they returned that day to Ekron.
17 These are the golden tumors that the Philistines returned as a (AA)guilt offering to the Lord: one for Ashdod, one for Gaza, one for Ashkelon, one for Gath, one for Ekron, 18 and the golden mice, according to the number of all the cities of the Philistines belonging to the five lords, (AB)both fortified cities and unwalled villages. (AC)The great stone beside which they set down the ark of the Lord is a witness to this day in the field of Joshua of Beth-shemesh.
19 (AD)And he struck some of the men of Beth-shemesh, because they looked upon the ark of the Lord. He struck seventy men of them,[a] and the people mourned because the Lord had struck the people with a great blow. 20 Then the men of Beth-shemesh said, (AE)“Who is able to stand before the Lord, this holy God? And to whom shall he go up away from us?” 21 So they sent messengers to the inhabitants of (AF)Kiriath-jearim, saying, “The Philistines have returned the ark of the Lord. Come down and take it up to you.”
Footnotes
- 1 Samuel 6:19 Most Hebrew manuscripts struck of the people seventy men, fifty thousand men
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

