Add parallel Print Page Options

Pero kinaumagahan, nakita ulit nila na nakasubsob ang rebulto sa harap ng Kahon ng Panginoon. Ang ulo at ang dalawang kamay nito ay putol na, at nakakalat sa bandang pintuan; katawan lang nito ang natirang buo. Kaya hanggang ngayon, ang mga pari ni Dagon at ang mga pumapasok sa templo niya roon sa Ashdod ay hindi na tumatapak sa bandang pintuan.

Pinarusahan nang matindi ng Panginoon ang mga taga-Ashdod at mga karatig lugar nito. Binigyan sila ng Panginoon ng mga tumor bilang parusa sa kanila.

Read full chapter