Add parallel Print Page Options

Ang Pakikipagdigma sa mga Amalekita

30 Ikatlong araw na nang sina David ay makabalik sa Ziklag. Samantalang wala sila, lumusob ang mga Amalekita at sinunog ang buong bayan. Wala silang pinatay isa man ngunit binihag nila ang mga babae, matanda't bata. Nang dumating nga sina David, sunog na ang buong bayan at wala ang kani-kanilang asawa't mga anak. Dahil dito, hindi nila mapigilan ang paghihinagpis; nag-iyakan sila hanggang sa mapagod sa kaiiyak. Binihag(A) din ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam at Abigail.

Balisang-balisa si David sapagkat pinag-uusapan ng kanyang mga tauhan na pagbabatuhin siya dahil sa sama ng loob sa pagkawala ng kanilang mga anak. Ngunit dumulog si David kay Yahweh na kanyang Diyos upang palakasin ang kanyang loob. Sinabi(B) ni David kay Abiatar, “Dalhin mo rito ang efod.” At dinala naman ni Abiatar. Nagtanong si David kay Yahweh, “Hahabulin po ba namin ang mga tulisang iyon? Mahuhuli ko po kaya sila?”

“Sige, habulin ninyo. Maaabutan ninyo sila at maililigtas ang kanilang mga bihag,” sagot ni Yahweh.

Hinabol nga ni David ang mga Amalekita. Kasama niya hanggang sa batis ng Besor ang animnaraan niyang tauhan. 10 Ngunit pagdating doon, apatnaraan na lang ang nagtuloy na sumama kay David. Nagpaiwan na ang dalawandaan dahil sa matinding pagod. 11 Sa daan, may nakita silang isang kabataang Egipcio. Dinala nila ito kay David at binigyan ng pagkain at inumin. 12 Binigyan nila ito ng tinapay na igos at dalawang kumpol ng pasas. Matapos kumain, nanumbalik ang kanyang lakas; tatlong araw at tatlong gabi pala siyang hindi kumakain ni umiinom. 13 Tinanong siya ni David, “Sino ang panginoon mo at tagasaan ka?”

“Ako po'y Egipciong alipin ng isang Amalekita. Iniwan na ako ng aking panginoon sapagkat tatlong araw na akong may sakit. 14 Nilusob po namin ang teritoryo ng mga Kereteo sa timog ng Juda at ang teritoryo ng angkan ni Caleb; sinunog pa po namin ang buong Ziklag,” sagot nito.

15 “Maaari mo ba kaming samahan sa mga tulisang iyon?” tanong uli ni David.

“Kung ipapangako po ninyo sa akin sa pangalan ng Diyos na ako'y hindi ninyo papatayin ni ibabalik sa dati kong panginoon, ituturo ko sa inyo ang lugar ng mga Amalekita,” sagot ng Egipcio.

16 Itinuro nga ng alipin ang kampo ng mga Amalekita. Nakita nina David na kalat-kalat ang mga ito. Sila'y masasayang nagkakainan, nag-iinuman at nagsasayawan. Nagpapasasa sila sa kanilang mga samsam sa Filistia at Juda. 17 Kinaumagahan, lumusob sina David at pinagpapatay ang mga Amalekita hanggang gabi. Wala silang itinirang buháy maliban sa apatnaraang kabataan na nakatakas na sakay ng kanilang mga kamelyo. 18 Nabawi nila ang lahat ng sinamsam ng mga Amalekita, pati ang dalawang asawa ni David. 19 Isa man sa kasamahan nila'y walang nabawas, matanda't bata, maging sa kanilang mga anak; nabawi nga nilang lahat ang sinamsam ng mga Amalekita. 20 At sinamsam pa nina David ang mga tupa at mga baka. Ang mga ito'y ipinadala niya sa kanyang mga tauhan pauwi. Sinabi nila, “Ito ay samsam ni David.”

21 Nang makabalik sina David sa batis ng Besor, sinalubong sila ng dalawandaang tauhan niya na hindi nakasama dahil sa matinding pagod at sila'y kinumusta niya. 22 Sa mga nakasama ni David ay may mga makasarili at mararamot. Sinabi ng mga ito, “Huwag nating bibigyan kahit ano 'yung hindi sumama sa atin. Ibigay na lang natin sa kanila ang kanilang asawa't mga anak at paalisin na natin sila.”

23 Ngunit sinabi ni David, “Hindi tama iyan, mga kapatid. Ang mga bagay na ito ay ipinagkaloob sa atin ni Yahweh. Iniligtas niya tayo at ibinigay niya sa ating mga kamay ang mga kaaway na lumusob sa atin. 24 Kaya, pare-pareho ang magiging bahagi ng lahat, maging kasama sa paglusob o naiwan upang magbantay sa ating mga ari-arian.” 25 Mula noon, iyon ang naging patakaran ni David sa paghahati ng mga samsam, at ito'y sinunod ng buong Israel.

26 Pagdating sa Ziklag, pinadalhan ni David ng bahagi ang mga kaibigan niya at ang pinuno ng bayan sa Juda. “Ito ang bahagi ninyo sa mga nasamsam namin sa mga kaaway ni Yahweh,” sabi niya. 27 Pinadalhan din niya ang mga taga-Bethel, Timog Ramat, Jatir, 28 Aroer, Sifmot, Estemoa 29 at Racal. Gayundin ang mga taga-Jerameel at Cineo, 30 pati ang nasa Horma, Borasan, Atac, 31 Hebron at ang lahat ng lugar na narating ni David at ng kanyang mga tauhan.

David Destroys the Amalekites

30 David and his men reached Ziklag(A) on the third day. Now the Amalekites(B) had raided the Negev and Ziklag. They had attacked Ziklag and burned(C) it, and had taken captive the women and everyone else in it, both young and old. They killed none of them, but carried them off as they went on their way.

When David and his men reached Ziklag, they found it destroyed by fire and their wives and sons and daughters taken captive.(D) So David and his men wept(E) aloud until they had no strength left to weep. David’s two wives(F) had been captured—Ahinoam of Jezreel and Abigail, the widow of Nabal of Carmel. David was greatly distressed because the men were talking of stoning(G) him; each one was bitter(H) in spirit because of his sons and daughters. But David found strength(I) in the Lord his God.

Then David said to Abiathar(J) the priest, the son of Ahimelek, “Bring me the ephod.(K)” Abiathar brought it to him, and David inquired(L) of the Lord, “Shall I pursue this raiding party? Will I overtake them?”

“Pursue them,” he answered. “You will certainly overtake them and succeed(M) in the rescue.(N)

David and the six hundred men(O) with him came to the Besor Valley, where some stayed behind. 10 Two hundred of them were too exhausted(P) to cross the valley, but David and the other four hundred continued the pursuit.

11 They found an Egyptian in a field and brought him to David. They gave him water to drink and food to eat— 12 part of a cake of pressed figs and two cakes of raisins. He ate and was revived,(Q) for he had not eaten any food or drunk any water for three days and three nights.

13 David asked him, “Who do you belong to? Where do you come from?”

He said, “I am an Egyptian, the slave of an Amalekite.(R) My master abandoned me when I became ill three days ago. 14 We raided the Negev of the Kerethites,(S) some territory belonging to Judah and the Negev of Caleb.(T) And we burned(U) Ziklag.”

15 David asked him, “Can you lead me down to this raiding party?”

He answered, “Swear to me before God that you will not kill me or hand me over to my master,(V) and I will take you down to them.”

16 He led David down, and there they were, scattered over the countryside, eating, drinking and reveling(W) because of the great amount of plunder(X) they had taken from the land of the Philistines and from Judah. 17 David fought(Y) them from dusk until the evening of the next day, and none of them got away, except four hundred young men who rode off on camels and fled.(Z) 18 David recovered(AA) everything the Amalekites had taken, including his two wives. 19 Nothing was missing: young or old, boy or girl, plunder or anything else they had taken. David brought everything back. 20 He took all the flocks and herds, and his men drove them ahead of the other livestock, saying, “This is David’s plunder.”

21 Then David came to the two hundred men who had been too exhausted(AB) to follow him and who were left behind at the Besor Valley. They came out to meet David and the men with him. As David and his men approached, he asked them how they were. 22 But all the evil men and troublemakers among David’s followers said, “Because they did not go out with us, we will not share with them the plunder we recovered. However, each man may take his wife and children and go.”

23 David replied, “No, my brothers, you must not do that with what the Lord has given us. He has protected us and delivered into our hands the raiding party that came against us. 24 Who will listen to what you say? The share of the man who stayed with the supplies is to be the same as that of him who went down to the battle. All will share alike.(AC) 25 David made this a statute and ordinance for Israel from that day to this.

26 When David reached Ziklag, he sent some of the plunder to the elders of Judah, who were his friends, saying, “Here is a gift(AD) for you from the plunder of the Lord’s enemies.”

27 David sent it to those who were in Bethel,(AE) Ramoth(AF) Negev and Jattir;(AG) 28 to those in Aroer,(AH) Siphmoth,(AI) Eshtemoa(AJ) 29 and Rakal; to those in the towns of the Jerahmeelites(AK) and the Kenites;(AL) 30 to those in Hormah,(AM) Bor Ashan,(AN) Athak 31 and Hebron;(AO) and to those in all the other places where he and his men had roamed.