Add parallel Print Page Options

22 Nang magkagayo'y sumagot ang lahat ng masasamang tao, at mga taong mababang uri na lumabang[a] kasama ni David, “Sapagkat hindi sila lumabang kasama namin, hindi namin sila bibigyan ng samsam na aming nabawi, maliban sa bawat lalaki na makukuha niya ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak at umalis.”

23 Ngunit sinabi ni David, “Mga kapatid ko, huwag ninyong gagawin ang gayon sa ibinigay sa atin ng Panginoon. Kanyang iningatan tayo at ibinigay sa ating kamay ang pulutong na dumating laban sa atin.

24 Sino ang makikinig sa inyo sa bagay na ito? Sapagkat kung gaano ang bahagi ng lumusong sa labanan ay gayundin ang bahagi ng naiwan sa dala-dalahan. Sila'y magkakaroon ng pare-parehong bahagi.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 30:22 Sa Hebreo ay humayo .