Add parallel Print Page Options

Patay na noon si Samuel. Nang mamatay siya nalungkot at nagluksa ang buong Israel sa kanya, at inilibing siya sa kanyang bayan sa Rama. At pinaalis na ni Saul ang mga espiritista sa Israel.

Nagkampo ang mga Filisteo sa Shunem, at si Saul naman at ang buong hukbo ng Israel ay sa Gilboa. Nang makita ni Saul ang mga sundalo ng mga Filisteo, pinagharian siya ng matinding takot.

Read full chapter