Add parallel Print Page Options

Kapag sumasalakay sila David, pinapatay nila ang lahat ng lalaki at babae, at kinukuha ang mga tupa, baka, asno, kamelyo at pati na rin ang mga damit. Pagkatapos, bumabalik sila kay Akish. 10 Kapag itinatanong ni Akish kung saan sila sumalakay nang araw na iyon, sinasabi nilang sinalakay nila ang Negev sa Juda, o sa bahagi ng Negev na tinitirhan ng mga Jerameelita o sa bahagi ng Negev na tinitirhan ng mga Keneo. 11 Pinapatay nina David ang lahat ng lalaki at babae para walang makarating sa Gat at sabihin kung ano talaga ang ginawa nila. Ito ang madalas niyang ginagawa habang naroon siya sa teritoryo ng mga Filisteo.

Read full chapter