Add parallel Print Page Options

Kaya't nahikayat ni David ang kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng mga salitang ito, at hindi niya pinahintulutan sila na salakayin si Saul. Pagkatapos ay tumindig si Saul, lumabas sa yungib at nagpatuloy sa kanyang lakad.

Pagkatapos, si David ay tumindig, at lumabas sa yungib, at pasigaw na sinabi kay Saul, “Panginoon kong hari.” Nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kanyang mukha sa lupa at nagbigay galang.

At sinabi ni David kay Saul, “Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao na nagsasabi, ‘Tingnan mo, pinagsisikapan kang gawan ng masama ni David?’

Read full chapter