Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, nagdamdam ang puso ni David sapagkat kanyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul.

At(A) sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Huwag ipahintulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon na binuhusan ng langis ng Panginoon, na aking saktan siya ng aking kamay[a] gayong siya ang binuhusan ng langis ng Panginoon.”

Kaya't nahikayat ni David ang kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng mga salitang ito, at hindi niya pinahintulutan sila na salakayin si Saul. Pagkatapos ay tumindig si Saul, lumabas sa yungib at nagpatuloy sa kanyang lakad.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 24:6 Sa Hebreo ay iunat ang aking kamay laban sa kanya .