Add parallel Print Page Options

Pero sinabi ng mga tauhan ni David, “Dito pa nga lang po sa Juda ay natatakot na kami, lalo pa kaya kung pupunta kami sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo.” Muling nagtanong si David sa Panginoon, at sinabi ng Panginoon, “Pumunta ka sa Keila dahil pagtatagumpayin ko kayo laban sa Filisteo.” Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo. Maraming Filisteo ang napatay nila; kinuha nila ang mga hayop nito at nailigtas nila ang mga taga-Keila.

Read full chapter