Add parallel Print Page Options

Iniligtas ni David ang Bayan ng Keila

23 Isang araw ibinalita kay David na sinasalakay ng mga Filisteo ang Keila at sinasamsam ang mga trigo sa giikan. Nagtanong si David sa Panginoon, “Sasalakayin ko po ba ang mga Filisteo?” Sumagot ang Panginoon, “Sige, salakayin mo sila at iligtas mo ang Keila.” Pero sinabi ng mga tauhan ni David, “Dito pa nga lang po sa Juda ay natatakot na kami, lalo pa kaya kung pupunta kami sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo.”

Read full chapter