Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod na nakatayo sa palibot niya, “Pakinggan ninyo ngayon, mga Benjaminita. Mabibigyan ba ng anak ni Jesse ang bawat isa sa inyo ng mga bukirin at mga ubasan? Kayo bang lahat ay gagawin niyang mga punong-kawal ng libu-libo at mga punong-kawal ng daan-daan;

upang kayong lahat ay magsabwatan laban sa akin? Walang nagsabi sa akin nang makipagtipan ang aking anak sa anak ni Jesse. Walang sinuman sa inyo na nagdamdam dahil sa akin, o nagsabi sa akin na hinikayat ng aking anak ang aking lingkod laban sa akin upang mag-abang, gaya sa araw na ito.”

Nang(A) magkagayo'y sumagot si Doeg na Edomita na nakatayo sa tabi ng mga lingkod ni Saul, “Nakita ko ang anak ni Jesse na dumating sa Nob, kay Ahimelec na anak ni Ahitub.

Read full chapter