Add parallel Print Page Options

41 Pagkaalis ng bata, si David ay tumindig mula sa tabi ng bato[a] at sumubsob sa lupa, at yumukod ng tatlong ulit. Hinalikan nila ang isa't isa, kapwa umiyak ngunit si David ay umiyak nang labis.

42 At sinabi ni Jonathan kay David, “Umalis kang payapa, yamang tayo'y kapwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi, ‘Ang Panginoon ay lalagay sa pagitan natin, at sa pagitan ng aking mga anak at ng iyong mga anak, magpakailanman.’” At siya'y tumayo at umalis; at pumasok si Jonathan sa lunsod.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 20:41 Sa Hebreo ay mula sa tabi ng timog .
  2. 1 Samuel 20:42 Ang pangungusap na ito ay 21:1 sa Hebreo.